Home » Page 4
Contact Information:
Mobile: +63 929 588 05 88
Email: regenluna@gmail.com
Office: Block P Ext, San Simon, DBBC Cavite Philippines 4115

"The people who knows their God shall be strong and will do exploits..." Daniel 11:32

Centurion & Servant

September 18, 2010

the-roman-centurion-zoom

Ang Centurion at ang kaniyang alipin
Lukas 7:1-10

Tuwing linggo kapag tayo ay nagsisimba at nakikiisa sa banal na eucharistiya o communion palagi nating sinasabi ang mga katagang “Lord I am not worthy to recieve you but only say the word and I shall be healed” bago natin tanggapin ang ostya o tinapay , alam ba natin ang pinanggalingan ng mga katagang ito?  Kilala ba natin kung sino ang nagsabi nito at bakit niya ito sinabi?  Kinuha ito sa Biblia pero tungkol ba sa communion ang kontekstong pinagkuhanan?  Ilan kaya sa atin ang nakakaalam na ang nagsabi nito ay isang Romanong Centurion na umiibig sa isang lalaking alipin?

ANG URI NG ALIPIN SA ISTORYA

Pederastic Relationship
Pederastic Relationship

May dalawang uri ng alipin sa istoryang ito.  Sa Lukas 7:2 ang salitang ALIPIN o SERVANT na ginamit sa orihinal na Griego ay DOULOS na ang ibig sabihin ay isang “slave, involuntarily or voluntary, servant” ayon sa Strong’s Hebrew & Greek Dictionaries.

Sa Lukas 7:7 ang salitang ALIPIN sa wikang Griego ay PAIS na ang ibig sabihin ay “boy, slave, servant, son, young man”.  Ang aliping DOULOS ay iba sa aliping PAIS noong panahon ng mga Romano.  Ang DOULOS ay mga ordinariyong katulong o alipin.  Samantalang ang mga PAIS ay mga special na alipin ayon sa Kulturang Greco-Romano.

May Kultura ang mga Romano na tinatawag na PEDERASTY na kung saan ang mga may gulang na lalaki ay maaring bumili ng mga binatang lalaki upang gawing alipin o kaya’y karelasyon at gamitin bilang mga sex partners nila.  Sa aklat na The New Testament & Homosexuality (1983) na isinulat ni Robin Scroggs sa pahina 32 ganito ang kaniyang ibinahagi:

40271238_Oxford_Pederasty

“PEDERASTY AS VOLUNTARY SEXUAL ENCOUNTER.  On the other hand, many boys, youths, and adult males voluntarily entered into a primary romantic relationship in which the older partner expected to and did receive sexual gratification…The age of the younger partner varied…He maybe called “PAIS” or “BOY” which might point to an age prior to puberty…”

Maliwanag ayon sa Bible scholar na si Robin Scroggs na ang PAIS ay isang uri ng alipin o binatilyo na ginagamit bilang sexual partner ng kaniyang kinikilalang master.  At sa kasong ito ang master ay ang Romanong Centurion.  Ngunit ang kanilang relasyon ay hindi lamang sexual kundi ito ay may halong pag-ibig na ipinakita ng Centurion.

ANG PAGMAMAHAL NG ROMANONG CENTURION SA KANIYANG ALIPIN

Sinasabi ng maliwanag sa Biblia kung gaano ang pagmamahal ng Centuriong Romano sa alipin niyang ito.  Sa Lukas 7:2 ganito ang pagkakasalin sa Ang Biblia:

“At ang alipin ng isang senturion, na minamahal nito, ay may sakit at malapit nang mamatay.”

Gaano kamahal ng Centurion ang aliping ito?  Sa orihinal na Griego ang salitang MINAMAHAL ay ἔντιμος o ENTIMOS na ang ibig sabihin ay “valued”, “dear”, “more honorable”, “precious”, “in reputation”.  Ayon sa Strong’s Hebrew at Greek Dictionaries.

Sa talatang ito kitang-kita natin ang pagmamahal o uri ng pagmamahal na iginawad ng Centurion sa kaniyang alipin.  Mataas ang kaniyang pagpapahalaga sa aliping ito, iginagalang niya ang aliping ito, at ang pinaka mahalaga sa lahat ay mahal niya ang aliping ito.  Ang salitang Griego na ENTIMOS ay nagmula sa dalwang salitang Griego na EN at TIMOS ang ibig sabihin ng TIMOS ay “value that is money paid”, “valuables”, “esteem of the highest degree or the dignity itself”, “honor”, “precious”, “price”, “some” ayon sa Strong’s Hebrew & Greek Dictionaries.  Nagpapakita lang na ang salitang ENTIMOS ay hindi lamang tumutukoy sa pagpapahalaga, pagalang at pagmamahal ng Centurion kundi nagpapakita rin ng mataas na halaga o bayad ng Centurion upang makuha ang aliping ito.

Hindi lamang ito ang ipinakita ng Centurion para sa kaniyang alipin upang maipakita niya ang pagmamahal niya sa kaniyang alipin kinain niya ang kaniyang pride bilang Centuriong Romano at nakiusap sa isang Judio na pagalingin ang kaniyang aliping may sakit.  Tandaan nating sa panahong ito sinakop ng Roma ang Israel at ang lahat ng mga Judio ay mababang uri lamang sa paningin ng mga Romano sapagka’t sila ang mga mananakop.

ANG REAKSIYON NG ATING PANGINOONG JESUS SA KANILANG RELASYON

Jes_w_Centurion_7-30Hindi pinakealaman ng ating Panginoong Jesus ang pagmamahal na inuukol ng Centurion sa kaniyang aliping lalaki.  Ang nangyari pa nagulat ang ating Panginoong Jesus sa pagpapakumbaba ng Centurion at sinabi niyang hindi pa siya nakakakita ng ganitong pananampalataya sa Israel (Lukas 7:8).

At dahil sa pagpapakumbaba ng Centurion pinagaling ng ating Panginoon ang kaniyang alipin (Lukas 7:10).  Walang sinabing anuman ang ating Panginoong Jesus tungkol sa pagmamahal ng Centurion sa kaniyang alipin.  Walang sinabi ang ating Panginoon na hindi niya pagagalingin ang kaniyang alipin dahil sila ay parehong lalaki na nagmamahalan.  Walang sinabi ang ating Panginoon na sila ay mga karumal-dumal tandaan natin na ang ating Panginoong Jesus.

Alam ng ating Panginoong Jesus ang kultura ng mga tao ng kaniyang panahon at tiyak na hindi lingid sa kaniyang kaalaman ang kulturang PEDERASTY ng mga Romano.  Nguni’t wala siyang sinabing anumang laban sa kanila bagkus hinangaan niya ang pananampalataya ng isang lalake na nagmamahal sa kaniyang kapwa lalake at pinagaling pa niya ang alipin niyang ito.  Sana ganito rin ang attitude ng lahat ng mga Kristiano tulad ng naging attitude ng ating Panginoong Jesus.

Posted by regen at 1:40 am | permalink | View this entry