Home » Page 3
Contact Information:
Mobile: +63 929 588 05 88
Email: regenluna@gmail.com
Office: Block P Ext, San Simon, DBBC Cavite Philippines 4115

"The people who knows their God shall be strong and will do exploits..." Daniel 11:32

David & Jonathan

September 18, 2010
DAVID AND JONATHAN
DAVID AND JONATHAN

2 Samuel 1:26
Ang Biblia

“Ako’y namanglaw dahil sa iyo, kapatid kong Jonathan: Naging totoong kalugodlugod ka sa akin; Ang iyong pag-ibig sa akin ay kagilagilalas, Na humihigit sa pagsinta ng mga babae”

+++

ANG INTERPRETATION NG IBANG SIMBAHAN

Sinasabi ng ibang simbahan na ang istorya ni David at ni Jonathan ay isang uri ng istorya tungkol sa tunay na pagkakaibigan ng dalawang lalaki at hindi daw ito tungkol sa pagmamahalan ng dalawang lalaki sapagaka’t naging asawa ni David si Michal na kapatid ni Jonathan.  Ang istoryang ito raw ay hindi patungkol sa homosexuality o maging sa bisexuality.

SURIIN NATIN ANG ISTORYA

Ang Pastol na si David
Ang Pastol na si David

Paaano ipinakilala ng Biblia si David?  Naghanap ang mga Israelita ng Hari at humingi sila sa Panginoon.  Ang unang hari na ibinigay sa kanila ay si Saul.  Nguni’t dahil sa mga pagkakamali at pagkakasala ni haring Saul sa Dios ang Espiritu ng Dios ay humiwalay sa kaniya.  At nagutos ang Dios kay Propeta Samuel na maghanap ng susunod na hari pagkatapos ni Saul at ang napili ng ng Dios ay isang binatilyong nagalalaga ng tupa na ang pangalan ay David.  Ganito ang pagpapakilala ng Biblia kay haring David sa I Samuel 16:12-13 ang gagamitin nating salin ay ang saling Ang Biblia:

1 Samuel 16:12

“At siya’y nagsugo, at sinundo siya roon. Siya nga’y may mapulang pisngi, may magandang bikas, at mabuting anyo. At sinabi ng Panginoon, Tumindig ka: pahiran mo siya ng langis, sapagka’t ito nga.”


1 Samuel 16:13

“Nang magkagayo’y kinuha ni Samuel ang sungay ng langis, at pinahiran siya sa gitna ng kaniyang mga kapatid: at ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang suma kay David mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin. Gayon bumangon si Samuel at napasa Rama.”

Napakaganda ng pagpapakialala ng Biblia kay David.  Sinasabing siya ay may mapulang pisngi.  Sa wikang Hebreo ang ginamit na salita para sa “mapulang pisngi” ay ADMONY na ang ibig sabihin ay “reddish hair or complexion” so ibig sabihin si David ay mamula-mula.  Sinasabi ring siya ay may “mabuting bikas” sa King James Version ay “beautiful countenance”.  At siya ay may “mabuting anyo”.  Sa God’s Word Bible ganito ang pagkakasalin ng I Samuel 16:12:

1 Samuel 16:12

“So Jesse sent for him. He had a healthy complexion, attractive eyes, and a handsome appearance. The LORD said, “Go ahead, anoint him. He is the one.”

Sa madaling salita si David ay pogi, gwapo o magandang lalake.  Nakakapagtakang binigyan ng diin ng Biblia ang itsura ni David gayong sa mga naunang talata ay ganito ang sinabi mismo ng Dios kay Propeta Samuel sa I Samuel 16:7 sa saling Ang Biblia:

1 Samuel 16:7

“Nguni’t sinabi ng Panginoon kay Samuel, Huwag mong tingnan ang kaniyang mukha, o ang taas ng kaniyang kataasan; sapagka’t aking itinakuwil siya: sapagka’t hindi tumitingin ang Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao: sapagka’t ang tao ay tumitingin sa mukha, nguni’t ang Panginoon ay tumitingin sa puso

Prophet Samuel & David
Prophet Samuel & David

Noong naghahanap ng susunod na hari si Propeta Samuel ang nakita niya ay ang mga kapatid ni David.  AT pinagsabihan ng Dios si Samuel na hindi sila ang pinili ng Dios at ang tinitignan ni Propeta Samuel ay ang kanilang itsura.  At sinabi ng Dios sa propeta na ang tao ay tumitingin sa mukha nguni’t ang Panginoon ay tumitingin sa puso.  Pero later noong ipakilala na ng Biblia si David talagang binigyan pa ng diin ang itsura ni David bago siya pinahiran ng langis ni Propeta Samuel.  Well, hindi na natin problema yan ang mahalaga ay nakita natin kung gaano kapogi o kagwapo si David ayon mismo sa Biblia.

PAANO NAGKITA SINA DAVID AT JONATHAN?

Ang Pagsuko ni Jonathan Kay David
Ang Pagsuko ni Jonathan Kay David

Matapos ang matagumpay na pagpatay ni David sa higanteng si Goliath nagdiwang ang buong Israel sa nagawa ni David sa tulong ng Dios.  At nang mangyari ito ipinahanap ni haring Saul si David sa kaniyang mga tauhan at si David ay pinatitira ni haring Saul sa kaniyang palasyo.  Sumunod si David sa utos ng hari at siya ay nagtungo sa palasyo at dito unang nagkita sina David at Jonathan.  Anong nangyari noong una silang magkita?  Sa I Samuel 18:1-4 ganito ang mga sumunod na pangyayari ayon sa saling Ang Biblia:

1 Samuel 18:1

At nangyari, nang siya’y makatapos na magsalita kay Saul, na ang kaluluwa ni Jonathan ay nalakip sa kaluluwa ni David, at minahal ni Jonathan siya na gaya ng kaniyang sariling kaluluwa.


1 Samuel 18:2  At kinuha siya ni Saul nang araw na yaon, at hindi na siya tinulutang umuwi sa bahay ng kaniyang ama.


1 Samuel 18:3  Nang magkagayo’y si Jonathan at si David ay nagtibay ng isang tipan, sapagka’t minahal niya siya na gaya ng kaniyang sariling kaluluwa.


1 Samuel 18:4  At hinubad ni Jonathan ang kaniyang balabal na nakasuot sa kaniya, at ibinigay kay David, at ang kaniyang kasuutan pati ng kaniyang tabak, at ng kaniyang busog at ng kaniyang pamigkis.

Si Jonathan ay anak ni haring Saul.  Samakatwid siya dapat ang susunod na hari ng Israel kahalili ng kaniyang ama.  Nguni’t sa simula pa lamang ng kanilang pagkikita ay isinuko na ni Jonathan ang kaniyang sarili kay David.  Ano ang ginawa ni Jonathan upang patunayan ang kaniyang pagsuko kay David?  Ang sabi ng Biblia hinubad ni Jonathan ang balabal na nakasuot sa kaniya at ibinigay kay David, pati ang kaniyang kasuotan at tabak, pati ang kaniyang busog at kaniyang pamigkis.  Bakit ginawa ito ni Jonathan kay David? maliwanag sa I Samuel 18:1 ay sinasabi na ang “kaluluwa ni Jonathan ay nalakip sa kaluluwa ni David at minahal niya si David gaya ng kaniyang sariling kaluluwa”.  It was love at first sight.

Ang interpretasiyon ng ibang simbahan sa talatang ito ay ganito katindi daw ang kanilang pagkakaibigan na ang kanilang kaluluwa ay nalakip sa isa’t-isa.  Kaya ang ginawa ng ibang salin ng Biblia binago ang translation ng talatang ito upang tumugma sa kanilang interpretasyon.  Sa Contemporary English Version ganito ang kanilang pagkakasalin ng I Samuel 18:1:

1 Samuel 18:1  David and Saul finished talking, and soon David and Jonathan became best friends. Jonathan thought as much of David as he did of himself.

Hindi lamang Contemporary English Version ang nagpilit na baguhin ang talatang ito sa saling God’s Word ganito ang kanilang pagsasalin ng naturang talata:

1 Samuel 18:1  David finished talking to Saul. After that, Jonathan became David’s closest friend. He loved David as much as he loved himself.

Ang masaklap nito hindi lamang CEV at God’s Word ang nagbago ng saling ito sinundan na ito ng iba pang mga makabagong salin ng Biblia.  Sa kanilang pagnanasang baguhin ang ibig sabihin ng talatang ito.  Narito ang pagkakasalin ng The Message Bible:

Jonathan and David—Soul Friends

1 By the time David had finished reporting to Saul, Jonathan was deeply impressed with David—an immediate bond was forged between them. He became totally committed to David. From that point on he would be David’s number-one advocate and friend.

Sa kagustuhan ng ibang mga tagapagsalin na huwag magkaroon ng homosexual o same sex love connotation ang talatang ito, sinikap nila itong baguhin nguni’t hindi lahat ng tagapagsalin ng Biblia ay maaatim ang ganitong pagbabago sa orihinal.  Kung kaya’t ang halos karamihan ng mga salin ng Biblia ay pareho sa pagkakasalin ng Ang Biblia.  Ang tanong ay ito may homosexual connotation nga ba ang talatang ito?  halos nagsisimula pa lamang tayo sa unang pagkikita ni Jonathan at David wala pa tayo sa buong istorya nila.  Tiganan natin sa orihinal na Hebreo kung may homosexual na interpretation tayong makikita sa I Samuel 18:1.  Sa King James Version with Strong’s Numbers ay ganito ang ating matutunghayan:

1 Samuel 18:1  And it came to pass,H1961 when he had made an endH3615 of speakingH1696 untoH413 Saul,H7586 that the soulH5315 of JonathanH3083 was knitH7194 with the soulH5315 of David,H1732 and JonathanH3083 lovedH157 him as his own soul.H5315

Ang salitang LOVED ay may Hebrew word number na H157 ano ang Hbrew word na ito?  Ayon sa Strong’s Hebrew and Greek Dictionary ang salitang Hebreo para sa H157 ay:

H157
אהב    אהב
‘âhab  ‘âhêb
aw-hab’, aw-habe’
A primitive root; to have affection for (sexually or otherwise): - (be-) love (-d, -ly, -r), like, friend.

Ang salitang Hebreo na ginamit para sa salitang MINAHAL sa I Samuel 18:1 ay AHAB na ang ibig sabihin ay “to have affection for sexually or otherwise” pwede ring “beloved”, “loved”, “lovely”, “lover”, “like”, “friend”.  Ibig sabihin maraming pwedeng interpretasiyon sa naturang talata. Pwedeng kaibigan, pwedeng lover, pwedeng beloved at ang matindi ay “sexual affection”.  Hindi natin dapat iwan sa iisang interpretasyon lamang ang talatang ito sapagka’t mismong ang orihinal na Hebreo na ang nagsasabi mismo sa atin ngayon na maraming pwedeng interpretasyon ang talatang ito.  Given the situation ni Jonathan na siya ang anak ng Hari bakit niya isusuko ang kaniyang karapatang maging hari para sa isang taong hindi naman niya kapatid?  At kung sila ay close friends lamang nakakatuwang isipin na isuko mo ang lahat para lamang sa iyong kaibigan.  Isang bagay na kahit tayong mga normal na tao ay hindi gagawin.  Isa lamang ang logical answer dito.  Isinuko ni Jonathan ang lahat sapagka’t mahal na mahal niya si David tulad ng pagmamahal ng isang lover ayon sa original Hebrew ng Biblia.

ANG PAGTINDI NG PAGMAMAHALAN NINA DAVID AT JONATHAN

1 Samuel 18:3  Nang magkagayo’y si Jonathan at si David ay nagtibay ng isang tipan, sapagka’t minahal niya siya na gaya ng kaniyang sariling kaluluwa.

Naging matindi na ang pag-ibig nina David at Jonathan sa isa’t-isa sumupa at gumawa pa ng tipan upang ipakita nila sa isa’t-isa ang kanilang pag-ibig.  Tandaan natin na ang Hebreong salita na ginamit din dito sa mga talatang ito ay AHAB.  Ang kanilang tipan ay para sa maglover ayon sa orihinal na Hebreo.  Nguni’t sa isang love story hindi nawawala ang mga kontrabida at minsan love triangle.  Kaya umentra na sa eksena ang kapatid na babae ni Jonathan na si Michal.  Sa I Samuel 18:28 ganito ang sinasabi:

1 Samuel 18:28  At nakita at nalaman ni Saul na ang Panginoon ay sumasa kay David; at sinisinta si David ni Michal na anak ni Saul.

Michal, A novel by Jill Ellen Smith
Michal, A novel by Jill Ellen Smith

Hay naku, kahit kailan tinik sa dibdib ang mga babae hahahaha biro lang po.  Sa istoryang ito umentra na ang anak na babae ni Saul si MIchal.  Alam ni Saul na dahil si David ay pogi at sikat sa buong Israel kailangan niyang macontrol si David at huwag niyang maging kalaban.  Sapagka’t natatakot na si Saul sa pagkakataong ito sa kasikatang tinatamasa ni David sa buong Israel at siya ay nagkakaroon na ng matinding inggit sa binata.  Bago ko pala makalimutan, ang salitang SINISINTA sa I Samuel 18:28 sa orihinal na Hebreo ay AHAB din ang ginamit tulad ng pagamit ng salitang ito upang ipakita ang pagmamahal ni Jonathan kay David. Kaya ang ginawa ni Saul ibinigay niya si Michal bilang maging asawa ni David.

1 Samuel 18:27  At tumindig si David at yumaon, siya at ang kaniyang mga lalake, at pumatay sa mga Filisteo ng dalawang daang lalake; at dinala ni David ang kanilang mga balat ng masama, at kaniyang ibinigay ng buong bilang sa hari, upang siya’y maging manugang ng hari. At ibinigay na asawa sa kaniya ni Saul si Michal na kaniyang anak na babae.

ANG PLANONG PAGPATAY NI SAUL KAY DAVID (I Samuel 19:1-24)

david and saul220Sa sobrang pagsikat ni David sa buong Israel nawalan na ng katahimikan si Saul.  Nilukuban siya ng matinding inggit at galit laban kay David sapagka’t natatakot siyang maagaw ang kaniyang trono.  At sa sobrang galit nito sa kaniya sinabi niya kay Jonathan at sa kaniyang mga tauhan ang kanilang planong pagpatay kay David.  Nguni’t namagitan si Jonathan para kay David at nangako si Saul na hindi na niya papatayin si David.  Ngunit isangaraw tumtugtog si David para kay haring Saul, muli nananman siyang nilukuban ng inggit at galit kay David at habang tumutugtog si David ay biglang sinibat siya ni haring Saul at si David ay tumakas sa palasyo.



 

 

 

ANG SUMPAAN NINA DAVID AT JONATHAN (I Samuel 20:1-42)

Tumakas na sa palasyo si David at nagtago sa isang lugar na tinatawag na Rama.  Nguni’t lihim na nakikipagkita sa kaniya si Jonathan.  Sa I Samuel 20:3-4, 17 ganito ang naging paguusap nila:

1 Samuel 20:3  At gayon ma’y si David ay sumumpa, at nagsabi, Talastas na maigi ng iyong ama, na ako’y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin; at kaniyang sinasabi, Huwag maalaman ni Jonathan ito, baka siya’y magdalamhati; nguni’t buhay nga ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, na iisang hakbang ang pagitan ko sa kamatayan.

1 Samuel 20:4  Nang magkagayo’y sinabi ni Jonathan kay David, Anomang adhikain ng iyong kaluluwa ay aking gagawin dahil sa iyo.

1 Samuel 20:17  At pinasumpa uli ni Jonathan si David dahil sa pagibig niya sa kaniya: sapagka’t kaniyang minamahal siya na gaya ng pagmamahal niya sa kaniyang sariling kaluluwa.

Muli ang ginamit na Hebreong salita sa 1 Samuel 20:17 para sa salitang MINAMAHAL ay AHAB. Salitang Hebreo na ginamit upang ipakita ang pagmamahal ni Michal kay David sa I Samuel 18:28.  Dito ginamit naman para kay Jonathan at David.  Matapos ang eksenang ito umuwi si Jonathan sa palasyo at sila ay nagkausap ng kaniyang amang si Saul at nagalab ang galit ni Saul kay Jonathan  sa I Samuel 20:30 ganito ang sinabi ni haring Saul kay Jonathan:

1 Samuel 20:30  Nang magkagayo’y nagalab ang galit ni Saul laban kay Jonathan, at sinabi niya sa kaniya, Ikaw ay anak ng masama at mapanghimagsik na babae, hindi ko ba nalalaman na iyong pinili ang anak ni Isai sa ikahihiya mo, at sa ikahihiya ng kahubaran ng iyong ina?

David & Jonathan
David & Jonathan

Alam na alam ni Saul ang labis na pagmamahal ni Jonathan kay David.  At alam din niyang inililigtas ni Jonathan si David laban sa kaniyang ama.  Sa sobrang galit ni Saul kay Jonathan nabanggit niya ang mga salitang ito, na mas pinili ni Jonathan si David at naghimagsik laban sa kaniyang sariling pamilya.  Nguni’t ang isa sa mga salitang makaagaw pansin sa talatang ito ay ng banggitin ni Saul ang KAHUBARAN NG KANIYANG INA.  Sinasabi ni Saul kay Jonathan, na hindi ka na nahihiya sa sarili mo pati sa nanay mo hindi ka rin nahihiya?  Dahil sa sobrang pagmamahal niya kay David kinalimutan na niya ang anumang uri ng kahihiyan.  Sa sobrang taas ng emotion nina Saul at Jonathan umalis ng palasyo si Jonathan at muling nakipagkita kay David.  At dito muling naganap ang kanilang sumpaan.

1 Samuel 20:41  At pagkayaon ng bataan, si David ay tumindig sa dakong tungo sa Timugan, at sumubsob sa lupa, at yumukod na makaitlo: at sila’y naghalikan, at umiyak kapuwa, hanggang si David ay humigit.

1 Samuel 20:42  At sinabi ni Jonathan kay David, Yumaon kang payapa, yamang tayo’y kapuwa sumumpa sa pangalan ng Panginoon na nagsasabi, Ang Panginoon ay lalagay sa gitna natin, at sa gitna ng aking binhi at ng iyong binhi, magpakailan man. At siya’y bumangon at yumaon: at pumasok si Jonathan sa bayan.

Isang nakakatuwang eksena sa kanilang buhay ang ating matutunghayan sa I Samuel 23 kung saan sinabi mismo ni Jonathan kung ano ang kaniyang ninanais para kay David.  Sa I Samuel 23:17-18 ay ganito ang ating mababasa:

1 Samuel 23:17  At sinabi niya sa kaniya, Huwag kang matakot: sapagka’t hindi ka masusumpungan ng kamay ni Saul na aking ama; at ikaw ay magiging hari sa Israel, at ako’y magiging pangalawa mo; at nalalamang gayon ni Saul na aking ama.

1 Samuel 23:18  At silang dalawa ay nagtipanan sa harap ng Panginoon: at si David ay tumahan sa gubat, at si Jonathan ay umuwi sa kaniyang bahay.

Sa sobrang pagmamahal ni Jonathan kay David, hindi na niyang ninasa na maging hari ng Israel kahit na siya ang anak ng unang hari.  Ang gusto niya ay maging hari si David at siya ay magiging pangalawa kay David.  Sino ba ang pumapangalawa sa hari?  hindi ba’t reyna? biro lang po.  Ibinigay ni Jonathan ang kaniyang karapatan bilang hari kay David at silang dalawa ay nagtipanan nanaman sa harap ng Panginoon.

ANG KAMATAYAN NI SAUL AT JONATHAN

Matapos ang awayan nina Saul at David, Saul at Jonathan marami pang nangyari sa paghahari ni Saul punong-puno ng action, drama, suspense at fantasia.  Pero sa bandang huli gaya ng maraming istorya silang dalawa ay namatay sa digmaan.  Nang malaman ni David na namatay sila sa digmaan sumulat siya ng isang awitin para sa mag-ama at ito ang huling mga lyrics ng kaniyang kanta namababasa natin sa II Samuel 1:26:

Ako’y namanglaw dahil sa iyo, kapatid kong Jonathan: Naging totoong kalugodlugod ka sa akin; Ang iyong pag-ibig sa akin ay kagilagilalas, Na humihigit sa pagsinta ng mga babae.

1510_Cima_da_Conegliano_David_and_Jonathan-wl400Ang awiting ito ni David ang nagsusuma tutal o sabihin na nating nagsusumarize ng naging ugnayan nila ni Jonathan.  Mula sa kanilang unang pagkikita,  sa kanilang pagsusumpaan, sa kanilang pagkikita ng lihim, sa mga digmaan na kanilang naranasan, sa mga away na pang pamilya, at sa lahat ng mga emotions na naramdaman nila itong lyrics na ito ng awit ni David ang nagsasabi kung gaano katindi ang naging pagmamahal sa kaniya ni Jonathan, sinabi mismo ni David na ang pag-ibig na ito ay higit pa sa pagsinta ng mga babae.  Naranasan ni David ang pagsinta ng mga babae.  Naging asawa niya si MIchal at sa iba pang mga istorya ay nagkaroon siya ng pagnanasa kay Batsheeba.  Ngunit ang pag-ibig ni Jonathan sa kaniya ay higit sa kanilang lahat.  Ang pag-ibig ng dalawang lalake na nagsumpaan sa harapan ng Dios.

davidjonatjaniconHomosexual man o Bisexual man si David hindi yun ang isyu.  Homosexual man si Jonathan hindi rin yun ang isyu.  Nagsex man sila o hindi maliwanag naman sa Biblia sa I Samuel 20:41 na sila ay naghalikan pero wala namang nakasulat doon na nagsex sila, pero hindi pa rin yun ang isyu.  Ang mahalaga may dalawang lalake na nagmahalan sa lumang tipan at ipinakita nila ang pagmamahalang ito na may basbas ng Dios.  Maraming beses inulit sa Biblia na sila ay laging nakikipagtipan sa Dios at sa isa’t-isa.  Walang sinasabi sa Biblia na sila ay makasalanan sa kanilang pagmamahalan.  Hindi pinarusahan ng Dios si Jonathan at David dahil dito.  Mas napurasahan pa nga si David ng siya ay nakiapid kay bathsheeba at planuhin niyang patayin ang asawa nito.

david_and_jonathan_iconKayo na ang bahalang umunawa sa istoryang ito.  Ang mag best friend ba ay nagsusumpaan sa harap ng Dios?  Iiwanan mo ba o magrerebelde ka sa sarili mong pamilya alang-alang sa best friend mo?  Isususong mo ba ang buhay mo para sa best friend mo?  Kakainin mo ba ang kahihiyan mo at ng iyong ina para lang sa best friend mo?  Isusuko mo ba ang lahat ng karapatan mo para lang sa best friend mo?  Ewan ko lang po pero hindi logical na gawin ng isang tao ang lahat ng ito kung hindi mo lover o partner ang isang tao.

Posted by regen at 1:42 am | permalink | View this entry