Home » Page 21
"The people that knows their God shall be strong and do exploits..."

Daniel 11:32

Fear is Sin

June 7, 2007

Maraming pagbabago ang nagaganap sa buong mundo.  Nagkaroon ng pagbabago dahil sa mga taong sa halip na matakot ay natutong lumaban para sa kanilang mga karapatan.  Sa ating bansa kung ang mga bayani natin noon ay natakot malamang hanggang nagyon tayo ay nasa pagkakalipin pa ng mga Espanyol.  Kung ang mga tao noong 1986 sa Edsa ay natakot mag people power malamang tayong lahat ngayon ay nagtitiis pa rin sa regimen ni Marcos.

 Sa ibang bansa ang ating mga kapatid na gays, lesbians, bisexuals at transgendered ay patuloy na nakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan at dahil sa hindi sila natakot sa mga politiko at sa mga religious leaders nakamit nila ang tagumapay sa ilang mga estado ng US, Canada, Spain, Netherlands, at iba pang bahagi ng European Union.  Ngunit nakakapagtaka dito sa ating bansa matagal ng lumalaban ang GLBT community para sa ating mga karapatan ngunit tila baga walang nakikinig, walang nagseseryoso, walang gustong tumulong.  Ano kaya ang problema?

 1. DIVISION - Hati-hati ang GLBT community sa Pilipinas tungkol sa napakaraming issue.  Halimbawa na lamang ang same sex marriage.  May mga grupong ayaw itong itulak bakit? Takot sila sa mga politiko, takot sila sa simbahan, ayaw nilang makipaglaban lalo na kapag ang religion at homosexuality ang pag-uusapan kaya ayaw nilang itulak dahil ang sabi nila hindi pa raw mature ang mga politiko at ang taong bayan tungkol sa issue ng same sex marriage kaya hindi daw muna nila itutulak.  Ang tanong ko kelan natin hihintayin ang kanilang maturity? Kapag patay na ang lahat ng mga leaders ng mga GLBT organizations sa Pilipinas?  Ngunit hindi lahat ng mga  GLBT organization sa Pilipinas ay hindi kayang ipaglaban ang same sex marriage.  Ang sabi sa Bible "A house divided by itself will not stand".  Hangga't hindi nagkakaisa ang GLBT community sa Pilipinas wala tayong maasahang pagsulong sa ating ipinaglalaban.  At kapag tayong lahat ay kumilos lang ng kaniya-kaniyang kilos good luck kung may pumansin sa atin.

 2. TAKOT - Marami sa ating mga kapatid ang ayaw lumabas, kapag may mga pride march o kaya ay mga welga upang ipaglaban ang ating mga karapatan kadalasang ang mga lumalabas lamang ay mga leaders ng mga organizations at ang mga ibang members ay maraming katwiran.  Nakalulungkot isipin na minsan 20 lang ang pumupunta samantalang napakaraming bakla sa Pilipinas lalo na sa Manila.  Bakit? Ayaw nilang makialam hangga't hindi sila apektado.  Samantalang ang mga leaders ginagawa ang lahat upang lahat tayo ay makinabang sa kanilang ipinaglalaban.  Takot sa sasabihin ng lipunan, takot sa sasabihin ng mga politiko, takot sa sasabihin ng pamilya, takot sa sasabihin ng kanilang mga kasama sa trabaho, takot mawala ang mga bagay na kanilang sinasandalan.  Kaya nga ang TAKOT ang magpaparalisa sa ating lahat tungo sa pagkakamit ng tunay na kalayaan.

 Ang sabi ng Biblia "hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng takot", kaya nga ang takot ay hindi galing sa Dios.  Oras na tayo ay natatakot ito ang paraan ni Satanas upang hindi tayo mabuhay ng maligaya at malaya.  Ang maging duwag ay kasalanan ayon sa Revelations 21:8.  Ang takot ang sisira sa ating mga pangarap, ang takot ang maghahati-hati sa atin, ang takot ang magsisilbing dahilan upang manalo ang ating mga kaaway.  Ang maging matatakutin ay kasalanan, ang maging duwag ay kasalanan.  Huwag tayong matakot kung alam nating tama ang ating ipinaglalaban.  

Kailangang lahat ng mga GLBT organizations sa Pilipinas ay magkaisa, sa iisang layunin, sa iisang mithiin, huwag kumilos ng grupo-grupo kundi dapat kumilos tayo ng sama-sama.  Kung gusto talaga nating makamit ang ating mga adhikain iwaksi natin ang takot at pagkakahati-hati sa ating community. 

Posted by regen at 12:41 pm | permalink | View this entry