Home » Archives » November 2007
"The people that knows their God shall be strong and do exploits..."

Daniel 11:32

Don’t let Satan Destroy your Life

November 10, 2007

Nakalulungkot na marami sa ating mga kapatid ang hindi na natin nakikita o hindi nagpapakita sa napakaraming dahilan.  Nguni't isang dahilan lang ang alam ko, nais na Satanas na durugin ka sa ilalim ng kaniyang mga paa.  Nais niyang sirain ang buhay mo.  Nais niyang sirain ang pamilya mo, ang mga mahal mo sa buhay at lalong-lalo na ang simbahan.  Matagal na niyang strategy ito since the beginning of time.

Lahat ng mga tao mula Old Testament hanggang New Testament ay hindi nakaligtas sa kaniyang kapangyarihang magwasak.  Naaalala mo ba si Job? Nilagyan ni Taning ng sakit, pinatay lahat ng mga alga niyang hayop, pinatay lahat ng mga katulong niya, pinatay lahat ng anak niya, iniwan lang ang asawa niyang sira ulo.  Sinasabi ng asawa niya na iwanan na niya si Lord at hindi lang yun, sumapin niya si Lord!  Nguni't sa kabila ng lahat Job kept his faith, alam niyang God is in control, alam niyang kung kinuha ng Panginoon maari rin niyang ibalik.  Kaya ang sabi niya ang Panginoon ang nagbigay siya rin ang babawi, Purihin ang pangalan ng Panginoon.

PAPURI SA DIOS, isang mabuting sandata laban kay Satanas, ayaw ito ni Satanas, Ito ang nagiisang bagay na kinaiingitan niya sa Dios, ANG DIOS AY SINASAMBA NGUNIT SIYA AY HINDI.  Kaya gagawin niya papapaniwalain niya ang tao na WALANG DIOS, para ang tao ay hindi sumamba sa Dios, by doing this eventually ang mga taong napaniwala sa ganitong paniniwala ay hindi nalalaman na ang taong hindi sumasamba sa tunay na Dios ay kay TANING sumasamba natural in a subtle at hindi halatang paraan.  Ito ang taktika ni Taning ang magiba ng anyo, ang akala mo wala kang sinasambang dios meron pala, hindi nga lang tunay.

PAGSAMBA SA DIOS, kapag ikaw ay nasa pagsamba sa Dios, nasa loob ng simbahan, kapilya, church, cathedral, fellowship o kung ano man ang tawag mo sa dakong saan mo siya sinasamba nandoon ang PRESENCE NI LORD.  Ang sabi nga sa Biblia dalawa o tatlong nagtitipon sa kaniyang pangalan ay naroon siya sa kanilang kalagitnaan.  Remember, Kapag sinasamba mo siya sa espiritu at katotohanan ang presence niya ay lumalapit sayo at niyayakap ka at sinasabi niyang everything is OK.  Ito ang ayaw ni taning ang gusto niya magtago ka sa presence ni Lord.  Tulad ng ginawa ng ating unang magulang hinahanap ni Lord si Adan at Eva ngunit dahil sa takot nila nagtago sila at ayaw magpakita kay Lord.  Satan wants you to fear God in a negative way.  Dahil ayaw niyang nagbababad ka sa presence ni Lord.  Ang gusto niya mas malayo mas maganda.  At hindi mo alam ang akala mo ok lang ang hindi magsimba, ok lang ang hindi sumamba sa Dios.  Hindi mo namamalayan unti-unti ka ng nagiging masama at pagkatapos bigla na lang niyang wawasakin ang buhay mo.

PANALANGIN SA DIOS, Ayaw na ayaw ni Satanas na nakikipagusap ka sa Dios, kasi alam niyang sasagot siya! Ang gusto ni Satanas isarada ang communication mo kay God.  Ang gusto pa niya ay magkaroon kayo ng miscommunication ni Lord. He will use your weaknesses, he will use your attitude, he will use your emotions, he will use your heart, he will use situations, he will use your job, your family, the one you love para tamarin kang manalangin.  Yan ang gusto niya manahimik ka at huwag makipagusap sa Dios, dahil alam niyang lalo kang nakikipagusap sa Dios lalo mong makikilala kung sino siya.  At yan ang ayaw niya, he will instill to you na nakakatamad manalangin, boring, waste of time, nakakaantok, kung ano-ano ang nakikita ko kapag nakapikit ako, all sorts of things.

So remember, don't let Satan destroy you, destroy him by spreading God's love, God's praise, God's prayer and God's presence!  Amen 

Posted by regen at 5:01 pm | permalink | View this entry