Home » Post Item » THE PRAYER OF OUR LORD JESUS CHRIST
"The people that knows their God shall be strong and do exploits..."

Daniel 11:32

THE PRAYER OF OUR LORD JESUS CHRIST

October 10, 2007

John 17:11-19 

 

INTRODUCTION

 

Sa buong buhay ng ating Panginoong Jesus sa Biblia naging ugali na niya ang manalangin.  PRAYER WAS HIS LIFESTYLE.   Bago siya noon nag ministeryo nanalangin at nagayuno muna siya ng 40 days.  Sa tuwing siya ay may mga mahahalagang mga desisyon sa buhay naroon si Jesus sa isang lugar na tahimik at nanalangin.  Nagsimula ang pelikulang the passion of Christ sa isang eksena sa buhay ng ating Panginoong Jesus sa Hardin ng Gethsemane, at nanalangin. 

 

Sa ating mabuting balita ngayon ay hihimay-himayin natin ang panalangin ng ating Panginoong Jesus bago siya umakyat sa langit at kung ano ang kaniyang kahilingan sa atin. 

 

ANO ANG MATUTUTUNAN NATIN SA PANALANGIN NG ATING PANGINOON? 

 

  • 1.   DALANGIN NI JESUS NA TAYO AY MAGKAISA - John 17:11  And now I am coming to you; I am no longer in the world, but they are in the world. Holy Father! Keep them safe by the power of your name, the name you gave me, so that they may be one just as you and I are one. 

 

      - Bakit nanalangin si Jesus tungkol sa pagkakaisa ng kaniyang mga tagasunod?  Sapagkat alam ng Panginoong Jesus na darating ang panahon na magkakawatak-watak ang kaniyang mga tagasunod.

 

      -  Sa panahon ni Pablo naganap ang mga pagkakawatak-watak na ito Narito ang halimbawa:  sa I Corinto 11:11-13  “For some people from Chloe’s family have told me quite plainly, my friends, that there are quarrels among you.   Let me put it this way: each one of you says something different. One says, “I follow Paul”; another, “I follow Apollos”; another, “I follow Peter”; and another, “I follow Christ.”  Christ has been divided into groups! Was it Paul who died on the cross for you? Were you baptized as Paul’s disciples?…” Kung noong panahon ng mga apostoles ay nagkawatak-watak na sila ay lalo na ngayong panahon natin.  Kaya hindi kataka-taka na nanalangin ang ating Panginoong Jesus ng tungkol sa pagkakaisa.

 

      -  Ano ang dapat nating maging ugali sa mga taong hindi natin kasama sa pananampalataya?  Sa Luke 9:49 “John spoke up, “Master, we saw a man driving out demons in your name, and we told him to stop, because he doesn’t belong to our group.” Luk 9:50  “Do not try to stop him,” Jesus said to him and to the other disciples, “because whoever is not against you is for you.”  Maliwanag ang naging ugali ng ating Panginoon sa mga taong hindi kasama sa kanilang grupo.  Ang gusto ng mga apostoles ay patigilin sila sa kanilang ginagawa ngunit sinabi ng ating Panginoong Jesus ay huwag silang pigilan.  Kung magiging ganito lamang ang ating paguugali tulad ng sa Panginoong Jesus naiwasan sana ang mga pagaaway-away ng dahil sa religion.

 

      -  Ito ang paniniwala ng MCC Philippines na tinatawag na ECUMENISMO.  Ibig sabihin ay ating itinataguyod ang pagkakaisa ng lahat ng mga alagad ni Kristo kahit na saan ka pang grupo kabilang.  Ang mahalaga ay mahal mo ang Dios at mahal mo ang iyong kapwa.  Bahala na ang Dios na humatol sa lahat ng mga simbahan sa ating panahon.  Sinusunod natin ang naging ugali ng Panginoong Jesus kaya dito sa ating masarap tayo dahil tayong lahat ay parang halo-halo. 

 

  • 2.   DALANGIN NI JESUS ANG ATING KALIGTASAN - John 17:15  I do not ask you to take them out of the world, but I do ask you to keep them safe from the Evil One.

 

      -         Hindi nais ng ating Panginoong Jesus na tayo ay umalis sa mundo.  Kaya itigil na ang ugali ng pagpapakamatay o kaya ay ang pagsasabi sa ating sarili Kapag tayo ay nahihirapan na “gusto ko ng mamatay”.  Maliwanag ang sinabi ng ating Panginoong Jesus.  “I DO NOT ASK YOU TO TAKE THEM OUT OF THE WORLD”.  Bakit kaya?  Sapagkat mahal ng Dios ang buong sanlibutan.  Sapagkat nais ng Dios na maligtas ang lahat ng tao at tayo ang kaniyang gagamitin para sa kaligtasan ng lahat ng mga tao.  Wala na tayong magagwa para sa Kaharian ng Dios kung tayong lahat ay patay na.  Ngunit kung tayo ay nabubuhay marami tayong magagawa para sa kaniyang kaharian.

 

-         Nais ng Panginoon na tayo ay ligtas sa kasamaan.  Kahit kailan hindi hinangad ng Panginoong Jesus na tayo ay mapahamak.  Ngunit minsan napapahamak tayo dahil na rin sa sarili nating kagagawan.  Pagkatapos may gana pa tayong sisihin ang Dios sa mga nangyayari sa ating buhay.

-         May nagtanong sa akin “Kung may Dios bakit may pagdurusa, may digmaan, may crimen, bakit hindi niya pigilin ang mga bagay na ito?”  Ang sabi ko sa kaniya, noon pa ibinigay na ng Dios ang lahat ng mabuti para sa tao.  Kasama na rito ang FREE WILL.  Ang lahat ng ating pagdurusa ay dahil sa pagsunod natin sa ating mga FREE WILL.  Ngunit kung susunod tayo sa WILL NG DIOS, hindi mangyayari ang lahat ng mga masasamang bagay na nagyayari sa tao.  Walang kinalaman ang Dios sa mga digmaan, ang mga tao ang nagdesisyong magera.  Walang kinalaman ang Dios sa mga kriminalidad, ang tao ang gumaggawa ng kriminalidad.  Bakit may mga kalamida, walang kinalaman jan ang Dios, yan ay natural lamang, yan ay dala ng pagbabago ng clima ng daigdig na kaya naman nagbabago ay dahil na rin sa kagagawan ng mga tao.  Kaya sa susunod huwag nating sisihin ang Dios bagkus tignan natin ang ating mga sarili kung ano ang ginawa natin at dumating sa atin ang mga bagay na ito.  Maaaring ang nangyayari sa atin ay PAGSUBOK o kaya naman ay CONSEQUENCES ng mga masasamang bagy na itinanim natin sa ating mga buhay. 

  • 3.  DALANGIN NI JESUS NA TAYONG LAHAT AY KANIYANG SUGUIN - John 17:16-18  Just as I do not belong to the world, they do not belong to the world.  Dedicate them to yourself by means of the truth; your word is truth.   I sent them into the world, just as you sent me into the world. 

 

 

-         “I SENT THEM INTO THE WORLD”,  Hindi lang ang mga pari, papa, pastor, ministro ang sinugo ng Dios sa mundo kundi tayong lahat, IKAW AY SUGO NG DIOS, upang ibalita ang kaligtasan sa iyong pamilya, kaibigan, kakilala at sa iba pang mga taong hindi mo kilala.  Tayo ay isinugo sa BUONG MUNDO, hindi lamang sa apat na sulok ng simbahang ito, hindi lang sa apat na sulok ng iyong opisina, hindi lamang sa apat na sulok ng iyong trabaho, hindi lamang sa apat na sulok ng iyong buhay, kundi IKAW AY SINUSUGO NI KRISTO SA BUONG MUNDO.  Malaki at malawak ang ating gawain.  Kailan natin ito sisimulan.  Maraming tao ang nangangailangan ng kaligtasan.  Ngunit ano ang ginagawa mo para rito?  IKAW AY SUGO NI KRISTO, IKAW ANG TUNAY NA SUGO, hindi si RICHARD GUTIEREZ.

 

  • 4.  DALANGIN NI JESUS NA IALAY NATIN ANG ATING MGA BUHAY SA DIOS - John 17:19  And for their sake I dedicate myself to you, in order that they, too, may be truly dedicated to you. 

 

-         Ang hinahanp ni Kristo ay hindi yung mga taong nagsisimba lamang tuwing lingo.  Isang step pa lamang yan.  Ang hinahanap ni Kristo ay mga taong DEDICATED sa kaniya.  Hindi sa SALITA kundi sa GAWA.  Madaling manalangin ng DEDICATION ngunit mahirap gawin ang maging DEDICATED.  Sabi ng natin MADALING MAGING TAO MAHIRAP MAGPAKATAO.

-         Alalahanin natin na ang ililigtas lamang ni Kristo ay ang mga taong DEDICATED SA KANIYA.  Ang salitang pananampalataya sa wikang Griego ay PISTEUO nangangahulugang COMMITMENT, DEDICATED.  Ang may buhay na walang hanggan lamang ay ang mga taong magiging COMMITTED, Magiging DEDICATED. 

CONCLUSION:

 

Nanalangin si Jesus para sa ating pagkakaisa, kaligtasan, pagsusugo at pagaalay ng ating mga buhay.  Kung ang Dios ay sumasagot sa ating mga panalangin araw-araw, ngayon naman si Kristo ang nananalangin.  Ano ang isasagot mo? YES, NO o WAIT?  Magdesisyon ka ngayon.

Posted by regen at 4:18 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.