Daniel 11:32
THE IMPORTANCE OF FASTING
October 10, 2007Sa ating ebanghelio ngayon, tinatanong ng mga tao si Jesus kung bakit ang kaniyang mga alagad ay hindi nagaayuno. Sumagot si Jesus na habang kasama pa ang lalaking ikakasal hindi sila magaayuno kapag siya ay wala na doon sila magaayuno. Ano nga ba ang pagaayuno? Kailan dapat magayuno? Ano ba ang tunay na pagaayuno ayon sa Biblia? Dapat pa ba tayong magaayuno sa ating panahon? Ano ang pagaayuno para sa ating mga taga MCC? Yan ang mga katanungan na ating paguusapan ngayong hapon.
PAGAAYUNO – ay ang hindi pagkain o pagiwas sa pagkain sa isang nakatakdang panahon. Ginagawa ito ng halos lahat ng mga relihiyon. Sa mga Judio ito ay kanilang isinasagawa sa Araw ng Katubusan (Day of Atonement) tuwing huling lingo ng Septembre o October 10 bilang palatandaan ng pagsisisi sa kanilang mga nagawang pagkakasala sa Dios. Sa mga Muslim ginagawa nila ang pagaayuno tuwing buwan ng Ramadan at sa mga Kristianong Romano Catholiko ito ay kanilang isinasagawa tuwing Mahal na Araw. Sa mga Protestante naman ang pagaayuno ay personal at ginagawa ng lihim at isinasagawa kung anong araw nais ng nagaayuno.
PAGAAYUNO – ay ang hindi pagkain o pagiwas sa pagkain sa isang nakatakdang panahon. Ginagawa ito ng halos lahat ng mga relihiyon. Sa mga Judio ito ay kanilang isinasagawa sa Araw ng Katubusan (Day of Atonement) tuwing huling lingo ng Septembre o October 10 bilang palatandaan ng pagsisisi sa kanilang mga nagawang pagkakasala sa Dios. Sa mga Muslim ginagawa nila ang pagaayuno tuwing buwan ng Ramadan at sa mga Kristianong Romano Catholiko ito ay kanilang isinasagawa tuwing Mahal na Araw. Sa mga Protestante naman ang pagaayuno ay personal at ginagawa ng lihim at isinasagawa kung anong araw nais ng nagaayuno.
BAKIT NAGAAYUNO ANG MGA TAO?
· Bilang pagsisisi sa mga kasalanan
· Upang umiwas sa mga makamundong pagnanasa
· Upang bumaba ang timbang o pagdadiet
· Upang gumaling o Therapy sa mga pasyente
· Upang makakakuha ng atensiyon tulad ng hunger strike sa mga political rallies
· Bilang pagtupad sa kanilang mga traditional na kaugalian
PANGKALUSUGANG BENEPISYO NG PAGAAYUNO:
Ayon kay Dr. Cinque may 12 benepisyong pangkalusugan ang pagaayuno:
- Mabilis na pagbawas ng timbang.
- Nalilinis ang katawan sa mga taba at toxins.
- Nakakapag pahinga ang ating mga bituka.
- Nakagagaling ng mga namamagang bahagi n gating katawan katulad ng rheumatoid arthritis.
- Nakagagaling ng mga allergic reactions tulad ng asthma, at hay fever.
- Nakapagpapatuyo ngmga naipong abnormal fluids sa katawan tulad ng edema sa bukong-bukong, edema sa binti at pamamaga ng tiyan.
- Itinatama ang high blood pressure ng walang gamut.
- Nakatatanggal ng mga bad habits at addiction tulad ng addiction sa sigarilyo, paglalasing at droga.
- Nagpapaganda ng kutis at nagpapalinaw ng mga mata.
- Isinasauli ng pagaayuno ang dating panlasa n gating mga taste buds sa dila.
- Ibinabalik ng fasting ang normal na sukat n gating mga bituka.
- Mahusay na pasimula ang pagaayuno para sa isang healthful diet at liestyle
MGA URI NG PAGAAYUNO:
- Partial fasting – pag iiskip ng isang meal.
- Full fasting – hindi pagkain sa loob ng 40 days at mahigit pa.
PAANO BA DAPAT ISAGAWA ANG PAGAAYUNO?
Mat 6:16 Bukod dito, pagka kayo’y nangagaayuno, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw, na may mapapanglaw na mukha: sapagka’t kanilang pinasasama ang mga mukha nila, upang makita ng mga tao na sila’y nangagaayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila’y ganti.
Mat 6:17 Datapuwa’t ikaw, sa pagaayuno mo, ay langisan mo ang iyong ulo, at hilamusan mo ang iyong mukha;
Mat 6:18 Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nagaayuno, kundi ng Ama mo na nasa lihim: at ang Ama mo, na nakakikita sa lihim, ay gagantihin ka.
ANO ANG PAGAAYUNO NA HINDI TINATANGGAP NG DIOS?
- 1. Pagnagaayuno at ang hinihingi ay para sa mga layaw lamang.
Isa 58:3 Ano’t kami ay nangagayuno, sabi nila, at hindi mo nakikita? ano’t aming pinagdalamhati ang aming kaluluwa, at hindi mo napapansin? Narito, sa kaarawan ng inyong pagaayuno ay masusumpungan ninyo ang inyong sariling kalayawan, at inyong hinihingi ang lahat ninyong gawa.
- 2. Nagaayunong may kagalit, may kaaway
Isa 58:4 Narito, kayo’y nangagaayuno para sa pakikipagkaalit at pakikipagtalo, at upang manakit ng suntok ng kasamaan: hindi kayo nangagaayuno sa araw na ito, upang inyong iparinig ang inyong tinig sa itaas.
- 3. Ayaw ng Dios ng pag-aayunong plastic.
Isa 58:5 Iyan baga ang ayuno na aking pinili? ang araw na pagdadalamhatiin ng tao ang kaniyang kaluluwa? Ang iyuko ang kaniyang ulo na parang yantok, at maglatag ng magaspang na kayo at abo sa ilalim niya? iyo bang tatawagin ito na ayuno, at kalugodlugod na araw sa Panginoon?
ANO ANG PAGAAYUNONG TINATANGGAP NG DIOS?
· 1. PALAYAIN ANG MGA TAO SA KANILANG MGA PASAN.
Isa 58:6 Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang?
- 2. TULUNGAN ANG KAPWA TAO.
Isa 58:7 Hindi baga ang magbahagi ng iyong tinapay sa gutom, at dalhin mo sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan? pagka nakakakita ka ng hubad, na iyong bihisan; at huwag kang magkubli sa iyong kapuwa-tao?
- 3. KUNG IYONG IGAGALANG ANG ARAW NG SABBATH O ARAW NG PAGSAMBA.
Isa 58:13 Kung iyong iurong ang iyong paa sa sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na kaarawan; at iyong tawagin ang sabbath na kaluguran, at ang banal ng Panginoon na marangal; at iyong pararangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, ni hahanap ng iyong sariling kalayawan, ni magsasalita ng iyong mga sariling salita:
ANO ANG PANGAKO NG DIOS SA MGA GAGAWA NITO?
- DIOS MISMO ANG MAGIGING BANTAY MO.
Isa 58:8 Kung magkagayo’y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga, at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw; at ang iyong katuwiran ay mangunguna sa iyo; ang kaluwalhatian ng Panginoon ay magiging iyong bantay likod.
- SASAGOT ANG DIOS SA DALANGIN MO.
Isa 58:9 Kung magkagayo’y tatawag ka, at ang Panginoon ay sasagot; ikaw ay dadaing, at siya’y magsasabi, Narito ako. Kung iyong alisin sa gitna mo ang atang, ang pagtuturo, at ang pagsasalita ng masama:
- IKAW AY MAGIGING LIWANAG SA KADILIMAN.
Isa 58:10 At kung magmamagandang-loob ka sa gutom, at iyong sisiyahan ng loob ang nagdadalamhating kaluluwa; kung magkagayo’y sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman, at ang iyong kadiliman ay magiging parang katanghaliang tapat;
- PAPATNUBAYAN AT PALALAKASIN KA NG DIOS.
Isa 58:11 At papatnubayan ka ng Panginoon na palagi, at sisiyahan ng loob ang iyong kaluluwa sa mga tuyong dako, at palalakasin ang iyong mga buto; at ikaw ay magiging parang halamang nadilig, at parang bukal ng tubig, na ang tubig ay hindi naglilikat.
- GAGAMITIN KA NG DIOS BILANG TAGAAYOS NG MGA BAGAY NA NASIRA.
Isa 58:12 At silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali’t saling lahi; at ikaw ay tatawagin Ang tagapaghusay ng sira, Ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan.
· PROMOTION AT PAMANA MULA SA DIOS.
Isa 58:14 Kung magkagayo’y malulugod ka nga sa Panginoon; at pangangabayuhin kita sa mga mataas na dako sa lupa; at pakakanin kita ng mana ni Jacob na iyong ama; sapagka’t sinalita ng bibig ng Panginoon.
CONCLUSION:
Ang Dios ay hindi nakatingin sa mga seremoniya. Nakatingin siya sa puso at intensiyon ng taong gumagawa ng seremoniya. Kahit gaano kaganda ang pagtupad natin ng ating mga obligasyon sa simbahang ito, kung malayo naman ang ating puso hindi rin ito katanggap-tanggap sa Dios.
Malapit na ang Mahal na Araw ano ba ang gagawin mo? Magbabakasyon? Magpapakasaya o Magaayuno para sayong mga kasalanan? Nananawagan ako sa lahat ng miembro at mga kaibigan ng MCC Philippines, sana bilang isang simbahan tayong lahat ay magayuno sa Mahal na Araw upang pagsisihan ang mga kasalanan n gating simbahan.
Anong klaseng pagaayuno? Yun bang hindi tayo kakain ng 40 days o yung paggawa ng kabutihan sa kapwa at sa ating mga kapatid? Sa ating miting mamaya ano ba ang mas magandang pagusapan? Mga problema o mga solution sa ating mga problema? Alin ba ang mas maganda sa mat ang Dios ang magwatak-watak o magtulong-tulong?
Nawa, gawin nating lahat ang tunay na kahulugan at espiritu ng tunay na pagaayuno. Gusto mong makuha ang mga pangako ng Dios sa buhay mo? Gawin mo ang tunay na pag-aayuno.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


