Mobile: +63 929 588 05 88
Email: regenluna@gmail.com
Office: Block P Ext, San Simon, DBBC Cavite Philippines 4115
"The people who knows their God shall be strong and will do exploits..." Daniel 11:32
THE GOOD SHEPHERD
October 10, 2007INTRODUCTION:
5 Pastol ang dumaan sa aking buhay. Ang mga taong ito ang nagsilbing gabay upang ako ay lumago sa aking ispiritual na pamumuhay bilang isang Kristiano.
Ang unang pastor ko ay si Rev. Neri, mula pa noong high school ako at hanggang ngayon bagamat alam niya ang aking pagkatao wala siyang sinabi sa akin na anumang laban sa aking pagkatao bagkus ang sabi niya ay iginalang niya ito, mula ng ako ay magumpisang mag-aral ng Biblia hanggang sa maging keybordista sa simbahan, tambourine minister, worship leader, Sunday school teacher at maging isang youth leader siya ang nagpastol sa akin.
Ang ikalawang pastor ko ay si Rev. Gayarez, isang missionary sa Negros Occidental, 7 beses na stroke, nagtayo ng isang munting simbahan sa paanan ng bundok sa Abra de ilog, Ngunit sa kabila ng kaniyang kalagayan akyat panaog siya sa mga bundok upang ihatid ang mabuting balita ng kaligtasan sa mga mangyan. Siya ang aking pastor sa panahong nagaaway kami ng aking pisikal na ama at lumalayas ako sa bahay at pumupunta ako sa Negros sa kaniyang kubo upang magkaroon ako ng kapayapaan. Ang pastor na ito ay sumakabilang buhay na sa kaniyang ika 8 stroke.
Ang ikatlong pastor ko ay si Rev. Mendoza, siya ang nagturo sa akin na homosexuality is not a sin and not a sickness, sexuality & spirituality, ecumenismo, tinuro niya rin sa akin ang iba pang mga katotohanan tungkol sa Biblia at sa homosexuality, siya ang dating pastor ng MCC.
Ang ikaapat na pastor ko ay si Rev. Sotto, siya ang dahilan kung bakit nagbalik ako sa MCC. Hinatulan niya ako nung malaman niya ang aking tunay na pagkatao. Maraming masasakit na salita at panlilibak ang natanggap ko sa kaniya. Isang pastor na mahilig sa pera, nangbubugbog ng asawa, nanununtok ng mga anak, palaging inaalipusta ang mga pastor na naghihirap sapagkat sa paniniwala niya ang isang Pastor na naglilingkod sa Dios ay hindi dapat naghihirap kundi dapat mayaman. Siya rin ang nagsabi sa akin na wala akong karapatang humawak ng Biblia sapagkat ako ay Bakla. Ngunit sa kaniya ko natutunan ang maging maprinsipyo, maging matapang, hindi sumusuko, at higit sa lahat ang pagbibigay at paglilingkod sa Panginoon. Magkagayon man ang nangyari, nangyari yon sapagkat ang Dios ay may dahilan. Ginamit niyang dahilan ito upang magbalik ako sa aking tunay na tahanan ang MCC.
Ang aking ikalimang pastor at pinaka espesiyal sa lahat ay ang ating Panginoong Jesus. Iniligtas niya ako sa maraming kapahamakan. Iniligtas niya ako sa mga taong lagi na lang akong inaaway. Iniligtas niya ako sa maraming heart breaking relationships. Masasabi ko ngayong naging Pastol siya ng aking kaluluwa mula noon hanggang ngayon.
ANO ANG PALATANDAAN NG ISANG MABUTING PASTOL?
Ang mabuting Pastol ay katulad ni Jesus ( John 10:11)
- Ang isang qualification ng isang mabuting Pastol ay ang kaniyang pagiging like- Christ or Christ likeness. Taglay ba ng taong ito ang mga katangiang tulad sa ating Panginoong Jesus? Tulad ng commitment, sacrifice, pagtuturo, pagsunod, pamamahala at higit sa lahat ang pagaalaga sa mga tupa. Siya ba ay may puso sa mga kaluluwa ng tao o may puso lang para sa kaniyang mga sariling ambisyon sa buhay?
Ang mabuting Pastol ay ibinibigay ang buhay para sa tupa. (John 10:11)
- Ang isang mabuting Pastol ay alam niya ang kaniyang commitment, alam niya kung ano ang dapat niyang ibigay para sa kaniyang mga tupa. BUHAY, ang kaniyang sariling BUHAY, kailangang tanggalin niya ang kaniyang mga personal na ambition sa kaniyang buhay at ibigay ito sa kaniyang mga tupa. Ang isang tao na nagnanasang maging Pastol ngunit hindi naman handang ibigay ang kaniyang buhay ay hindi nararapat maging pastol ng mga tupa.
Ang mabuting Pastol ay hindi pinababayaan ang tupa. (John 10:12)
- Ang isang mabuting Pastol ay hindi nagpapabaya sa kaniyang mga tupa. Hindi niya pinababyaang gumawa ng gumawa ng kasamaan ang kaniyang mga tupa. Kung paanong siya ay binabago ng Dios ganun din niya tinuturuang magbago ang kaniyang mga tupa. Ang isang tao na nagnanasang maging Pastol ngunit pabaya naman sa kaniyang mga tupa ay hindi nararapat na maging Pastol ng Kawan.
Ang mabuting Pastol ay nagmamalasakit sa mga tupa. (John 10:13)
- Ang isang mabuting Pastol ay laging nagmamalasakit sa kaniyang mga tupa. Tinitignan kung ano ang kanilang kalagayan. Palaging nananalangin para sa kanilang kaligtasan, palaging nananlangin para sa kanilang tagumpay sa buhay, nagpapayo sa mga panahong sila ay nalilito, tumutulong kung kinakailangan, sumasagot sa kanilang mga katanungan tungkol sa pananampalataya. Ang isang taong walang malasakit sa kapwa ay hindi karapatdapat na maging Pastol ng mga tupa.
Ang mabuting Pastol ay pinagiisa ang mga tupa. (John 10:16)
- Ang isang mabuting pastol ay palagi niyang pinagiisa ang kaniyang mga tupa. Pinipilit niyang turuan ng pagkakaisa ang kaniyang mga tupa. Iniiwasan niya ang mga pagkakabaha-bahagi sa kaniyang mga tupa. Ang sabi ni Jesus, “upang magkaroon ng ISANG KAWAN at ISANG PASTOL. Ang gusto ni Jesus para sa atin ay palagi tayong IISA. Ang gusto ni Jesus ay palagi tayong NAGKAKAISA. Kailanman walang nakasulat sa Biblia na ang gusto ni Jesus ay pagaaway, division, pagkakampi-kampi, palakasan, paramihan. Ang sabi ni Jesus “A house divided by itself will not stand”, “Ang bahay na baha-bahagi sa kaniyang sarili ay mawawasak”.
CONCLUSION:
Napaka sarap isipin na ang ating Panginoong Jesus ang ating Pastol. Ibinigay niya ang kaniyang buhay, hindi niya tayo pinababayaan, laging nagmamalasakit, at lagi niya tayong pinagiisa sa mga panahong tayo ay magulo. JESUS IS OUR GOOD SHEPHERD.
Tayong mga liders ng MCC Philippines, tayo ang mga pastol ng kawang ito. Nararapat lamang na taglayin din natin ang mga katangiang ito upang tayo ay maging matagumpay sa ating ministeryo.
Tayong lahat ay mga pastol din, sa ating pamilya, sa ating simbahan, sa ating trabaho at sa ating mga kaibigan. Kumusta ang pagpapastol natin sa kanila? Dinala na ba natin sila sa paanan ng ating Panginoong Jesus o dinadala natin sila papalayo?
Sa lahat ng ating mga pagkakamali, tagumpay, problema, mga hinaing sa buhay, nandiyan ang tunay na pastol ng ating kaluluwa, the Good Shepherd, our Lord and savior JESUS CHRIST.
Basahin natin ng sabay-sabay ang Awit 23
Psa 23:1 The LORD is my shepherd; I have everything I need.
Psa 23:2 He lets me rest in fields of green grass and leads me to quiet pools of fresh water.
Psa 23:3 He gives me new strength. He guides me in the right paths, as he has promised.
Psa 23:4 Even if I go through the deepest darkness, I will not be afraid, LORD, for you are with me. Your shepherd’s rod and staff protect me.
Psa 23:5 You prepare a banquet for me, where all my enemies can see me; you welcome me as an honored guest and fill my cup to the brim.
Psa 23:6 I know that your goodness and love will be with me all my life; and your house will be my home as long as I live.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


