Home » Post Item » THE BLESSINGS OF OBEDIENCE
"The people that knows their God shall be strong and do exploits..."

Daniel 11:32

THE BLESSINGS OF OBEDIENCE

October 10, 2007

 John 15:9-17  

INTRODUCTION:

What is obedience? o·be·di·ence

act of obeying: the act or practice of following instructions, complying with rules or regulations, or submitting to somebody’s authority.

church’s rule: the religious authority exercised by a church, a priest, or another member of the clergy, or the people who are under this authority.

SOURCE: www.encarta.msn.com/dictionary

OBEDIENCE IN THE BIBLE

  • Hebrew:          SHAMA – to hear intelligently, to be obedient,
  • Greek:             TEREO – to watch, to guard, to prevent, to maintain, to withhold, to keep, to hold past, to serve

EXAMPLE OF OBEDIENCE: (My uncle’s death last night)  

THE BLESSINGS OF OBEDIENCE 

  • 1.  CHRIST’S LOVE WILL REMAIN IN YOU - John 15:9  I love you just as the Father loves me; remain in my love.  John 15:10  If you obey my commands, you will remain in my love, just as I have obeyed my Father’s commands and remain in his love.

      - Notice na ang pananalita ay IF, may condition si Christ sa atin, IF YOU WILL OBEY MY COMMANDS, YOU WILL REMAIN IN MY LOVE.

      - Dito nagkamali ang maraming mga taong nagsasabing mahal nila si Kristo at mahal daw sila ni Kristo, ang buong akala natin ay walang CONDITION ang pagmamahal ni Kristo, ngunit maliwanag ang sinabi niya sa ating ebanghelio ngayon.  IF YOU WILL OBEY MY COMMANDS, YOU WILL REMAIN IN MY LOVE.

      - Lumilitaw na ang mga taong minamahal lamang ni Kristo ay yung mga taong sumusunod sa kaniyang mga utos.  Ang mga taong hindi naman sumusunod sa utos ni Kristo hindi sila kasama sa mga taong minamahal niya.  Wala akong magagawa ito ang salita mismo ng ating Panginoong Jesus.

  • 2. COMPLETE JOY WILL REMAIN IN YOU - John 15:11  “I have told you this so that my joy may be in you and that your joy may be complete…”

      - Hindi lamang ang pag-ibig ni Kristo ang mananatili sa sinomang susunod sa kaniyang mga utos kundi yung kaniyang JOY, yung JOY NI KRISTO, anong klaseng JOY?  Ang sabi ni Kristo COMPLETE JOY.  Maraming mga tao ngayon ay naghahanap ng tunay na kaligayahan,  ang akala nila ito ay matatagpuan sa pera, sa mga mamahaling bagay, sa mga pansariling ambition sa buhay, sa pagmamahal ng tao ngunit ang katotohanan si Kristo lamang ang makakapagbigay ng COMPLETE JOY, Kumpletong kaligayahang hinahanap ng tao sa kaniyang buhay.

      - Ang salitang JOY na ginamit sa talatang ito ay CHARA sa Griego, nangangahulugang, cheerfulness, calm, delight, gladness, great joy, exceeding joy.  Kaya ang LIGAYANG handog sa atin ni Kristo ay hindi kalahati, hindi one fourth, kundi COMPLETE, COMPLETONG JOY.  Sabi nga ng commercial ng centrum I WANT TO BE COMPLETE.  Ang Completong kaligayahang ito ay matatamo mo lamang kung SUSUNOD ka sa mga utos ni Kristo.

  • 3.   CHRIST WILL BE YOUR PERSONAL FRIEND - John 15:14  “And you are my friends if you do what I command you…”

          -  Again, inulit ni Kristo ang salitang IF, YOU ARE MY FRIENDS IF YOU DO WHAT I COMMAND YOU.

      -  Maraming nagsasabi na kaibigan daw nila si Kristo, they treat jesus Christ as their best friend,  But the question is Si Kristo ba itinuturing ka ba niyang kaibigan?  Ang tunay na kaibigan ni Kristo ay yun lamang sumusunod sa kaniyang mga utos, hindi ka kaibigan ni Kristo kung alam mo sa iyong sarili na hindi ka sumusunod sa kaniyang mga utos.  Hindi natin pwedeng lokohin si Jesus alam niya ang lahat ng ating mga ginagawa sa buhay.

      -  Magiging kaibigan mo lang siya KUNG, IF YOU WILL DO HIS COMMANDS, If not si TANING ang FRIEND MO.

  • 4.  THE FATHER WILL ANSWER YOUR PRAYERS - John 15:16  You did not choose me; I chose you and appointed you to go and bear much fruit, the kind of fruit that endures. And so the Father will give you whatever you ask of him in my name.

      -  Maraming tao ang nagtataka kung bakit may mga tao na sinasagot ng Dios ang kanilang mga panalangin at ang iba naman ay hindi.

      -     Laging tatlo ang sagot ng Dios sa panalangin, YES, NO at WAIT.

      -     Sa ating evangelio ngayon, ibinigay sa atin ni Jesus ang tip para sagutin ng Dios ang ating mga panalangin at ito ay laging OO.  Ang tip ay ito; una, ang sabi ni Jesus sa John 15:16 GO AND BEAR MUCH FRUIT,  Ang pangalawa ay ito; THE KIND OF FRUIT THAT WILL ENDURE,  at Kapag nagawa natin ang mga bagay na ito, ito ang kapalit; AND SO THE FATHER WILL GIVE YOU WHATEVER YOU ASK OF HIM IN MY NAME.  Kaya kung may panalangin ka at kahilingan sa Dios, kung gusto mong mapadali ghawin mo ang dalawang bagay na ito be fruitful at tiyaking ang iyong fruit ay mananatili.

CONCLUSION:

Itong apat na blessings ay mapapasayo, IF YOU WILL OBEY CHRIST’S COMMAND.  Ang tanong eh ano ba ang inuutos sa atin ni Christ?  Ang ating evangelio ngayon ay natapos sa utos ni Kristo na:  John 15:17  This, then, is what I command you: love one another…

  • HOW? PAPAANO NATIN MAMAHALIN ANG ISA’T-ISA?

Ang sabi ni Jesus sa John 15:12  My commandment is this: love one another, just as I love you.

John 15:13  The greatest love you can have for your friends is to give your life for them.

Ang tunay na nagmamahal ay hindi lang yung pinagbibigyan ka lagi.  Inililibre ka kung saan-saan.  Kinokonsinte ang mga kalokohan mo.  Malalapitan mo pag kailangan mo ng pera.  Nahihingan mo ng payo kapag may problema ka pero kadalasan hindi mo naman sinusunod, wala lang nagdadrama ka lang.  Ang tunay na kaibigan ay katulad ni Kristo, handang ibigay ang kaniyang buhay para sa atin.  Ito ang tunay na kaibigan,  kapag may kaibigan ka at handa siyang mamatay para sayo, mapalad ka nakatagpo ka ng tunay na kaibigan.  Ganitong klaseng pagmamahal ang inuutos sa atin ni Kristo, ang tanong MADALI BA O MAHIRAP?

Madali sa mga taong marunong sumunod, may espiritu ng pagsunod.  Ngunit mahirap para sa mga taong laging sarili ang sinusunod sa halip na si Kristo.  Kapatid ang tunay na kristiano ay hindi yung tagaupo lang Kapag lingo, hindi yung mahusay umawit, hindi yung mahusay tumugtog, hindi yung mahusay magsalita kundi yung mahusay umibig.

Posted by regen at 4:10 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.