Daniel 11:32
HOW TO TOUCH JESUS
October 10, 2007Mark 5:21-43
INTRODUCTION:
Napagalaman ng mga doctor sa National Institute of Health sa USA ang malaking Epekto ng TOUCH o paghipo o paghawak sa mga bagong silang na sanggol. Nagkaroon ng pag-aaral sa mga sanggol na laging hinahawakan kaysa sa mga sanggol na hindi masyadong hinahawakan sa loob ng 3 buwan makaraang isilang. Napagalaman nila na mas mabilis ang physical at mental growth ng mga batang laging hinahawakan. At ang palagiang paghawak sa bata ay nakapagpapaimprove din ng kanilang pagtulog. Kaya tinawag nila itong TOUCH THERAPY.
Sa science napatunayan na nila ang kapangyarihan ng TOUCH o paghipo sa ating mabuting balita ngayon dalawang tao ang nagkaroon ng himala ng kanilang hinawakan si Jesus. Si Jairo at ang babaeng inaagasan ng 12 taon.
PAANO NILA HINAWAKAN ANG ATING PANGINOONG JESUS?
- 1. JAIRO TOUCHED JESUS BY HIS HUMBLENESS - Mark 5:22 Jairus, an official of the local synagogue, arrived, and when he saw Jesus, he threw himself down at his feet.
- Kahit na official si Jairo sa sinagoga ng mga Judio nung makita niya si Jesus nagpatirapa siya sa harapan ni Jesus at nagmakaawa para sa buhay ng kaniyang anak na malapit ng mamamatay.
- Para kay Jairo mas mahalaga ang buhay ng kaniyang anak kaysa sa kaniyang position sa sinagoga ng mga Judio. Sa dami ng mga taong nakakakilala sa kaniya malamang naranasan din ni Jairo na siya ay libakin g kaniyang kapwa Judio dahil siya ay isang official and yet nagpatirapa at nagmakaawa sa ating Panginoong Jesus.
- Nakita ni Jesus ang pagpapakumbabang ito kaya ang ginawa ni Jesus pumunta siya sa bahay ni Jairo na kung saan patay na ang bata ngunit sa isang salita ng Panginoong Jesus muling nabuhay ang bata.
- The Lord blesses the humble:
- Proverbs 22:4 Obey the LORD, be humble, and you will get riches, honor, and a long life.
- Psalms 149:4 The LORD takes pleasure in his people; he honors the humble with victory.
- Proverbs 15:33 Reverence for the LORD is an education in itself. You must be humble before you can ever receive honors.
- 2. THE WOMAN TOUCHED JESUS BY HER FAITH - Mark 5:34 Jesus said to her, “My daughter, your faith has made you well. Go in peace, and be healed of your trouble.”
- Naubos na ang kayamanan nung babae sa doctor pero wala pa ring nangyari lalo pa siyang lumalala. Nung marinig niyang darating si Jesus sa kanilang lugar kahit na maraming tao gumawa siya ng paraan para makita si Jesus para humingi ng kagalingan. Kahit na parang magkakastampede ang sabi niya sa sarili niya mahawakan ko lang damit niya ok na.
- Nung makakita siya ng pagkakataon nahawakan niya ang damit ni Jesus at agad na lumabas ang power of healing sa ating Panginoong Jesus at agad na gumaling ang babae. Napansin ni Jesus na lumabas ang kaniyang healing power at agad niyang hinanap kung sino ang humawak sa kaniya. Nagtaray ang mga alagad ang sabi nila, Panginoon naman ang dami-daming tao eh hahanapin pa ba namin kung sino ang humawak sayo? Agad na lumapit ang babae kay Jesus at sinabi niya ang kaniyang ginawa.
- Hindi yung damit ang nakapagpagaling sa kaniya. Kundi yung kaniyang pananampalataya kay Jesus. Naging point of contact lamang yung damit. Kahit na putulin niya pa yung damit ni Jesus o labhan pa niya o nakawin pa niya kung wala siyang tunay na pananampalataya eh hindi rin siya gagaling.
- God blesses people with faith:
- Heb 11:2 It was by their faith that people of ancient times won God’s approval.
- Heb 11:6 No one can please God without faith, for whoever comes to God must have faith that God exists and rewards those who seek him.
CONCLUSION:
God is always touching you. But the question is when was the last time you touched the heart of Jesus? When was the last time you used the power of touch? Let us touch Jesus with all humility and faith. Hindi naiimpress si Jesus sa iyong position sa buhay, hindi sa iyong mga natapos na education, hindi sa iyong kalokohan, You can only touch him by being humble and faithful.
You want to please God? Then have faith.
You want riches? You want honor? You want long life? Then be humble.
These are the secret how to touch our Lord Jesus Christ.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


