Daniel 11:32
HOW TO HAVE PEACE
October 10, 2007
Luke 24:35-48
INTRODUCTION:
Noong mamatay at inilibing ang ating Panginong Jesus, ang akala ng kaniyang mga disipulo ay tapos na ang kanilang grupo. Ang naisip nila ay natalo sila sa mga Romano, sa mga Judio at kay Satanas. Ang nasa isip nila ay nasayang lamang ang kanilang panahon sa pagsunod kay Jesus sapagkat siya ay patay na. Takot na takot sila, wala silang nagawa, nararamdaman nila na wala na silang pag-asa. Sa pagkakataong ito wala silang kapayapaan.
Sa panahon natin ngayon nararamdaman din natin ang parehong naramdaman ng mga apostol at ng lahat ng kaniyang mga disipulo. Magulo ang ating bansa, hinati ng politika, hinati ng social status, hinati ng iba’t-ibang ideolohiya at ng relihiyon. Mahirap ang ating bansa. Dahil sa katakawan ng iilan maraming mga Filipino ang nagugutom habang iilan ang nagpapasasa sa kayamanan ng bansa. Saan ka man lumingon dumadami ang mga criminal, nakawan sa bangko hanggang sa pagnanakaw ng cellphone. Ayon sa mga ulat ay tumataas daw ang mga nagpapakamatay likha ng matindinding kahirapan. Marami sa atin ang walang kapayapaan.
Sa ganitong scenario biglang pumasok ang ating Panginoong Jesus at sinabi sa kaniyang mga alagad “Kapayapaan ang sumainyo.” Sa wikang Griego ang salitang KAPAYAPAAN ay EIRENE (i-rah-nay) na ang ibig sabihin ay peace (Kapayapaan), prosperity (kasaganaan), one (pagkakaisa), quieness (katahimikan), rest (kapahingahan), set at one again (muling pagkaisahin). Sapagkat alam ni Jesus na magulo ang kanilang mga isip at wala silang kapayapaan.
Noong magpakita si Jesus matapos niyang mamatay ano ang ginawa niya sa kaniyang mga alagad?
1. INALIS NI JESUS ANG KANILANG TAKOT – JESUS GAVE THEM PEACE.
- Sa panahon ng takot, binigyan sila ni Jesus ng kapayapaan.
- Ano ba ang mga kinatatakutan mo sa buhay na ito? Mamatay ng mag-isa? Mawalan ng Jowa? Mawalan ng Trabaho? Huwag kang matakot, Jesus will give you peace.
2. INALIS NI JESUS ANG KANILANG ALINLANGAN – JESUS GAVE THEM FAITH.
- Sa panahong nagaalinlangan na ang kaniyang mga alagad, Jesus gave them faith.
- Hindi nila nauunawaan na kailangang mamatay at muling mabuhay ng Kristo at ipinaliwanag ito ni Jesus sa kanila sa pamamagitan ng kasulatan na kailangang mangyari ang lahat ng ito ayon sa hula.
- Ano ba ang mga alinlangan mo? Ano ba ang mga bagay na nakakapagpagulo sa isip mo? Ano ba ang mga pinagaalinlanganan mo sa ating pananampalataya? Huwag kang mabahala, Jesus will give you the faith that you need. Buksan mo ang iyong Biblia at kung papaanong nauunawaan ng mga alagad ang lahat ganoon mo din mauunawaan ang mga bagay na hindi mo nauunawaan.
Ano ang naging resulta ng pagpapakita ni Jesus at ng kaniyang muling pagkabuhay sa kaniyang mga alagad?
- THEY BECAME WITNESSES (Lukas 24:48).
- THEY WERE BLESSED (Lukas 24:50).
- THEY BECAME WORSHIPERS (Lukas 24:52-53)
Sayo anong nangyari sayong pananamapalataya magmula ng malaman mong nabuhay si Jesus mula sa mga patay? Last week tinalakay natin ang mga ebidensiya ng muling pagkabuhay ni Jesus sa mga patay ano ang dating nito sayo?
CONCLUSION:
HOW TO HAVE PEACE
- STOP DOING FOOLISH THINGS - Psalms 85:8 I am listening to what the LORD God is saying; he promises peace to us, his own people, if we do not go back to our foolish ways.
- BE PATIENT - Proverbs 15:18 Hot tempers cause arguments, but patience brings peace.
- STOP BEING BUSY - Ecclesiastes 4:6 Maybe so, but it is better to have only a little, with peace of mind, than be busy all the time with both hands, trying to catch the wind.
- TRUST IN GOD - Isaiah 26:3 You, LORD, give perfect peace to those who keep their purpose firm and put their trust in you.
- BE CONTROLLED BY GOD’S SPIRIT - Romans 8:6 To be controlled by human nature results in death; to be controlled by the Spirit results in life and peace.
- DO YOUR PART -Rom 12:18 Do everything possible on your part to live in peace.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


