Daniel 11:32
BEHOLD THE LAMB OF GOD
October 10, 2007
John 1:35-42
INTRODUCTION:
Sa buong kasaysayan ng planetang ito may mga taong nagiging dakila dahil sa kanilang mga achievements. Ang iba ay dahil sa kanilang katanyagan, ang iba ay dahil sa kanilang katalinuhan, ang iba ay dahil sa kanilang mga kasamaan. Ngunit ang iba ay dahil sa kanilang pagsasakripisyo. Hindi ko minsan maintindihan ang mga tao, kung walang mamamatay hindi nagigising sa katotohanan ang marami. Kung hindi namatay si Rizal hindi magigising ang mga pilipino noong panahon nila. Kung hindi namatay si Ninoy wala sanang people power. Ang isang katotohanan ay ito nagiging dakila sa lahat ang isang tao kapag natutunan niyang magsakripisyo ng sarili niyang buhay para sa ikabubuti ng nakararami.
Ang ating mabuting balita ngayon ay nagpapakilala sa ating Panginoong Jesus bilang:
1. JESUS IS THE LAMB OF GOD -
- OT kailangang isakripisyo ng mga Judio ang isang malinis na tupa upang mapatawad ng Dios ang kanilang mga kasalanan.
- NT kailangang isakripisyo ng isang taong malinis (Jesus Christ) ang kaniyang buhay upang mailigtas ang buong sangkatauhan sa ating mga kasalanan.
- Bilang mga special na mga anak ng Dios handa ba tayong mamatay para sa nakakarami o handa lamang tayong mamatay para sa ating sarili?
- Handa mo bang ibigay ang iyong buhay alangalang sa iyong ipinaglalabang prinsipyo at iilang tao lamang ang kayang gumawa ng ganitong mga bagay.
- Handa ka bang mamatay para sa GLBT community? Kung hindi sinasayang mo lang ang panahon mo sa simbahang ito.
2. JESUS IS THE TEACHER
- Ang kaniyang salita ang nagtuturo sa atin kung ano ang dapat nating gawin.
- Ang kaniyang buhay ang nagtuturo sa atin kung paano tayo dapat mabuhay.
- Ang kaniyang gawain ang nagtuturo sa atin kung ano ang ating dapat na ginagawa.
- Kung sinasabi mo na ikaw ay KRISTIANO nararapat lamang na ang sinasabi mo, ang ginagawa mo at ang buhay mo ay nararapat na katulad ng kay Kristo dahil kung hindi, saying lang at hindi naman totoo ang sinasabi mo.
3. JESUS IS THE TRANSFORMER
- Mula sa pangalang “Cephas” ginawang “Pedro” ang pagbabago ng pangalan noong panahon ng biblia ay isang palatandaan ng isang bagong pagkatao.
- Jesus is in the business of transforming our lives to the better and not for the worst.
- Noong hindi mo pa nalalaman ang tungkol sa MCC at sa pananampalatayang meron ang MCC ano ba ang pagkatao mo noon? Ngayong nagging member kana ano kana ngayon? Nagbago kaba? O gaya ka pa rin ng dati? May napapansin bang pagbabago sa iyong pagkatao ang mga taong nakapaligid sa iyo o wala? Higit sa lahat ang Dios ba ay may nakikitang pagbabago sa buhay mo o wala?
CONCLUSION:
If Jesus is the Lamb of God, we must be like him; a sacrificial lamb for the GLBT Community. If Jesus is the teacher, we must teach also the goodness of God and the good news of God to the GLBT Community. If Jesus is the transformer, we must also transform our communities into a community where God reigns. We can transform lives if we are transformed by the power of God.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


