Home » Post Item » Science vs. Religion
"The people that knows their God shall be strong and do exploits..."

Daniel 11:32

Science vs. Religion

June 7, 2007

science and religion

 

“Science without religion is deaf, religion without science is blind…”

 

 

Noong unang panahon naniniwala ang simbahan na ang mundo araw ay umiikot sa mundo hindi ang mundo ang umiikot sa araw. Ngunit isang araw ang paniniwalang ito ay sinubukan ng isang matalinong tao na ang pangalan ay Galileo. Sinabi niya na ayon sa kaniyang malalim na pag-aaral ang mundo ay umiikot sa araw at ang araw ang siyang sentro ng buong sangsinukob o universe. Ngunit ayaw maniwala ng simbahan sa kaniya sinabi nilang mali ang paniniwalang ito ni Galileo at inutusang siyang talikuran ang paniniwalang ito o siya ay parurusahan. Ipinagutos din ng simbahan ang pagsunog kung hindi niya babaguhin ang mga bagay na isinulat niya sa kaniyang mga aklat. Sa madaling salita ayaw makinig ng simbahan sa mga sinasabi ni Galileo na pawang scientific.

 

Sa bandang huli, sa ating panahon sino kaya ang tama si Galileo o ang simbahan? Maliwanag na ang tama ay si Galileo. Yan ang problema sa panahon natin ngayon ayaw makinig ng simbahan sa mga bagay na sinasabi ng Science lalo na kung ito ay kokontra sa kanilang mga doktrina.

sci.gif

 

Matagal ng sinasabi ng science na homosexuality ay genetics, o kaya’y hormones at hindi ito sakit na kailangang baguhin ng kahit na anong therapy. Ang masaklap pa nga ang therapy o pagpipilit na gamutin o baguhin ang isang bagay na hindi naman dapat ay mas nakakasira pa sa tao. Ngunit muli ayaw nanamang makinig ng simbahan tungkol sa isyung ito. Nagpipilit pa rin silang papaniwalain ang mga tao na ang homosexuality ay sakit na kailangang gamutin nagpipilit parin silang magimbento ng kung ano-anung mga “cures” sa isang bagay na hindi naman talaga kailangang baguhin.

 

Sa America 477,000 Health professionals na ang nagsabing ang homosexuality ay hindi sakit at hindi ito kailangang baguhin. Ngunit ayaw pa rin ng maraming simbahan, ayaw pa rin nilang makinig kasi ito ay labag daw sa kanilang paniniwala ayon daw sa kanilang mga hawak na Biblia o kung anumang libro ang kanilang ginagamit. Mahirap talagang baguhin ang isang bagay lalo na kung ito ay tradition. Kahit mismong mga homosexuals na eh hindi rin makapaniwala na hindi kasalanan ang homosexuality at hindi ito karamdaman sa tindi ng lalim ng brainwashing na ginagawa ng mga simbahan sa ating panahon.

 

Hindi dapat paghiwalayin ang religion sa science at ganoon din sa science ang religion, sabi nga sa quotation sa itaas “science without religion is deaf, religion without science is blind…” Naranasan na ng simbahan na minsan sa kaniyang kasaysayan isang Galileo ang nagsabi ng totoo ngunit matigas ang ulo ng simbahan, sana sa pagkakataong ito ay makinig naman tayo sa science, kung ayaw nating makinig sa science dapat lahat ng mga religious groups ngayon ay huwag ng pupunta sa doctor o kaya ay magpapahospital, good luck na lang sa inyo…

 

 

delta_and_omega.jpg

 

May katapusan ba ang pagtutungalian ng science at religion? Meron, kapag natuto ng magpakumbaba ng religion sa science at ng science sa religion dito matatpos ang awayan. Mamulat na tayong lahat kaya maraming tao ang hindi naniniwala sa Dios dahil sa mga naging kalabisan ng napakaraming religious groups sa ating mundo. Maraming tao ang namatay, pumatay at pinatay sa ngalan ng iba’t-ibang mga Dios, iba’t-ibang mga libro, iba’t-ibang mga simbahan o grupo ng mga tao mapatunayan lang na sila lang ang tama. Mamulat na sana tayo lalo na ang mga mahihirap, minsan ginagamit nila ang Biblia upang yumaman lang ang iisang pamilya. Habang ang inyong mga leader ay nagpapasasa sa pera ng simbahan kayong laht ay mahirap pa rin. Habang sila ay namamasyal sa ibang bansa ikaw ay nasa Pilipinas isang kahig isang tuka pa rin. Habang sila ay nakatira sa mga mala-palasyong tahanan ikaw hanaggang ngayon nas ilalim ng tulay.

 

Samantalang ang Science patuloy sa pag-unlad, patuloy sa pagtuklas ng mga bagay na makakatulong sa tao. Religion is good kung ito ay gagamitin sa kabutihan ngunit religion is bad kung ito ay gagamitin sa kasamaan at ganoon din ang science. Kung pagsasamahin lamang natin ang mabuting kapangyarihan ng dalawang ito: science at religion sa tingin ko mas gaganda ang ating mundong tinitirhan ngayon…

Posted by regen at 2:04 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.