Daniel 11:32
Homosexuality is not against nature
June 7, 2007Ang isa sa mga bagay kung bakit tinututulang mabuti ng ibang mga simbahan ang homosexuality ay sapagkat ang homosexuality daw ayon sa kanila ay hindi natural. Ang natural daw ay ang lalake ay para sa babae at ang babae ay para sa lalake. At isa pa ang original daw na plano ng Dios ay upang magkaanak ang mga taon ayon daw sa Genesis papaanong magiging natural ang homosexuality gayong hindi naman daw tayo pwedeng magkaanak. Isa pang paniniwala nila ang homosexuality daw ay abnormal at ang normal ay ang heterosexuality. Isa-isa ko pong sasagutin ang mga bagay na ito upang maging maliwanag po sa ating lahat ang katotohanang ang homosexuality ay hindi labag sa kalikasan kundi ito ay bahagi ng kalikasan.
ANG HOMOSEXUALITY AY BAHAGI NG KALIKASAN
Napagalaman ng mga scientist na maraming mga hayop sa animal kingdom ang nagpapakita ng homosexual behavior, tulad ng Giraffe, Penguins, dolphins at mga bonobo at napakarami pang iba.
Evidence from The National Geographic Society Documentary "Homosexuality In Animals"
Hindi ko sinasabi na tayong mga tao ay tulad ng hayop. Ang ibig ko lamang pong ibahagi sa inyo ang katibayan na maging sa animal kingdom ay may homosexuals. Maliwanag na ang homosexuality ay bahagi ng kalikasan tulad ng heterosexuality. Kung hindi po natin papansinin ang mga katibayang ito lumilitaw na pilit nating isinasara ang ating mga isip sa pag-aaral ng mga scientists.
EVIDENCE MULA SA IBANG MGA WEBSITES
- Homosexuality in animals from wikipedia
- Homosexual Activity Among Animals stirs Debate from National Geographic News
- Gay Animals Out of the Closet from MSNBC
- 1,500 Animal Species Practice Homosexuality from News-Medical.Net
- Gay Animals: Alternative Lifestyle in the Wild from Live Science
- Love That Dare Not Squeak Its Name from The New York Times
- Homosexuality In The Animal Kingdom from The University of Oslo Website
ANG LALAKI AY PARA SA BABAE AT ANG BABAE AY PARA SA LALAKI
Si Pablo ang nagsabi ng mga katagang ito na mamababasa natin sa I Corinto 11:8-11. Ito ang pinagbabatayan ng ibang mga simbahan upang sabihin na ito lang ang nature o kalikasan na dapat nating tanggapin, na ang lalaki ay para sa babae at ang babae ay para sa lalaki. Una dapat po nating unawain kung ano ang buong konteksto ng pinaguusapan. Kung babasahin po natin ng buo ang I Corinto 11 ang pinaguusapan po dito ay tungkol sa pananalangin ng mga babae na may lambong sa ulo at ang pag-aasawa. Hindi po rito pinaguusapan ang homosexuality. Ang itinuturo po dito ni Pablo ay ang heterosexual na pag-aasawa at mga bagay na related sa pag-aasawa. Kung gagamitin natin ang mga talatang ito laban sa homosexuality maliwanag na mali ang context upang ito ay gamitin. Tama si Pablo ang isang heterosexual na lalake ay para sa isang heterosexual na babae ayon sa ating pagkaunawa ngayon.
Sa ibang bahagi ng Biblia minahal ni Jonathan si David at tinanggap ni David ang pagmamahal na ito (2 Samuel 1:26) Ibig bang sabihin nagkasala si David at Jonathan? Sa Bagong Tipan sa Lukas 7:1-10 minamahal ng Centrurion ang kaniyang alipin ayon sa origibnal na Griego ang alipin ay PAIS na ang ibig sabihin ay isang aliping ginagamit ng mga Centurion sa kanilang mga sexual na pangangailangan. Nagkasakit ang alipin at humingi ng tulong ang Centurion kay Jesus at pinagaling ni Jesus ang aliping iyon. Alam ni Jesus ang lahat ng bagay bakit hindi man lang niya sinabihan ang Centurion at ang alipin tungkol sa kanilang pagmamahalan? Ibig bang sabihin na ang ating Panginoon ay konsintidor o hindi?
ANG HETEROSEXUALITY LANG ANG TAMA DAHIL SILA LANG ANG MAY KAKAYAHANG MAGKAANAK
Ito ang ilan sa mga katwiran ng simbahan ang pagkakaroon ng anak. Tandaan natin na ang inutusan ng Dios sa Genesis na magkaanak ng marami ay sina Adan at Eva at hindi tayo kasali doon. Tanungin natin ang mga mag-asawa kung ang tanging dahilan lang ng kanilang pakikipagsex ay dahil sa pag-aanak. Tanungin din natin sila kung ilang beses silang magsex sa loob ng isang linggo. Paano ang mga taong hindi magkaanak o mga baog? Wala na rin ba silang karapatang magpakasal o kaya ay magkaroon ng karelasyon?
EVIDENCE FROM THE BIBLE
Leviticus 15:18
" After sexual intercourse both the man and the woman must take a bath, and they remain unclean until evening."
Maliwanag sa talatang ito na marumi sa harapan ng Dios ang sex sa pagitan ng babae at lalake. Kaya dun sa mga mahilig magquote ng Leviticus 18:22 at 20:13 sana binasa niyo muna itong talatang ito para maunawaan natin ang kabuuan ng Biblia, hindi lang po basta pulot ng pulot ng mga talata sa Biblia para lang gamiting panghatol sa ibang tao.
ANG SEX BA AY PARA SA PAG-AANAK LANG AYON SA BIBLIA?
1Corinthians 7:1-5 (CEV) "Now I will answer the questions that you asked in your letter. You asked, "Is it best for people not to marry?" Well, having your own husband or wife should keep you from doing something immoral. Husbands and wives should be fair with each other about having sex. A wife belongs to her husband instead of to herself, and a husband belongs to his wife instead of to himself. So don't refuse sex to each other, unless you agree not to have sex for a little while, in order to spend time in prayer. Then Satan won't be able to tempt you because of your lack of self-control."
Pansinin natin ang payo ni Pablo sa mga mag-asawa. Ang pinaguusapan naman dito ay ang sex. Huwag ipagkait sa asawang babae at asawang lalake ang sex. Dahil ang katawan ng babae ay para sa kaniyang asawa at ganoon din sa lalake. Walang pinag-uusapang gagawa ng anak sa mga talatang ito kundi yung pangangailangang pisikal ng magasawa. Maliwanag mula sa Biblia na hindi lang dahil sa pag-aanak ang sex kundi para rin sa pangangailangang pisikal.
CONCLUSION
Sana po ay naging maliwanag sa atin ang katotohanang ang homosexuality ay hindi laban sa kalikasan kundi ito ay bahagi ng kalikasan. At ang mga pagtutol dito ay sapagka't hindi natin masyadong napag-aaralan ang mga salita ng Dios sa Biblia sa kaniyang kabuuan. Napahiya na noon ang simbahan sa science ng dahil sa discovery ni Galileo na ang mundo ang umiikot sa araw laban sa paniniwala noon ng simbahan na ang mundo ang centro ng universe at ang araw ang umiikot sa mundo. Itinuring ng simbahan si Galileo na isang heretic ngunit ngayon napatunayan ng science na tama ang kaniyang pag-aaral. Ang katigasan ng ulo ng simbahan na huwag makinig sa mga scientist ang magdadala sa simbahan ng isa nanamang pagkapahiya sa isyu ng homosexuality.
Ganito po ang sinasabi ng isang website tungkol sa isyung ito:
"Against nature?
The Church Council of Nablus in 1120 AD wrote the first law where homosexuality was labelled a “Crime against Nature”. In the Renaissance, such texts found their way into the laws of many countries, leading to widespread oppression of homosexuals on the basis that it is “unnatural”.
We may have opinions on a lot of things, but one thing is clear: Homosexuality is found throughout the Animal Kingdom. It is not against nature."
Source: http://www.nhm.uio.no/againstnature/animal_human.html
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


