Home » Post Item » Homosexuality is not a sin
"The people that knows their God shall be strong and do exploits..."

Daniel 11:32

Homosexuality is not a sin

June 7, 2007

 homo

 Maraming nagtataka kung bakit naniniwala ang aming simbahan na ang homosexuality ay hindi kasalanan, samantalang karamihan ng mga simbahan ay nagsasabing ito ay kasalanan. Ito ang aming maiksing sagot sa lahat ng mga nagsusuri at nagtatanong tungkol sa isyung ito: 

  1. Ang mga talatang ginagamit ng karamihang mga simbahan laban sa homosexuality ay mali ang pagkakasalin ayon sa orihinal na Hebreo at Griegong kasulatan. Halimbawa: Genesis 19:5 sa ibang salin “makipagtalik” sa orihinal na Hebreo ay “YADAH” na ang ibig sabihin ay “to Know”, “upang makilala”. Leviticus 18:22 at 20:13 “abomination”, “karumal-dumal” sa tagalog ngunit sa orihinal na Hebreo ay “TOEVAH” ibig sabihin “idolatry, ceremonially unclean, unclean, ritually unclean”. I Corinto 6:9 at 2 Timoteo 1:10 sa ibang salin “homosexuals”, “effeminates”, sa original na Greek ay “MALAKOS at ARSENOKOITAI” na ang ibig sabihin ay “male or boy prostitute at male temple prostitute”.

  2. May mga lalake at babae na umibig sa kanilang kapwa lalake at babae sa Biblia. Tulad nina David at Jonathan, Ruth at Naomi, Centurion at ang kaniyang alipin at marami pang iba.

  3. Maraming mga gay at lesbian saints ayon sa church history katulad nina Saints Sergius at bacchus, Saints Perpetua at Felicity, Saint Aelred, Saint Augustine at marami pang iba.

  4. marami ng mga simbahan ang nagbukas ng kanilang pintuan at pinagaralan nilang muli ang isyung ito at ang kanilang conclusion hindi nga kasalanan ang homosexuality katulad ng: Affirmation, Integrity, Dignity, United Church of Christ, ilang mga Methodist Churches, MCC, More Light Presbyterians, Evangelicals Concerned, Reconciling Pentecostals, Lutherans Concerned at napakarami pang iba.

  5. Ang homosexuality ay hindi kasalanan kapag ito ay nasa loob ng isang loving, committed, responsible, monogamous, relationship. Ngunit kung ito ay casual sex lamang ito ay kasalanan halimbawa prostitution.

  6. Maraming pag-aaral ngayon ang ginawa at patuloy na isinasagawa ng Science upangmakita ang pinagmulan ng homosexuality at ilan sa mga ito ay nagpapatunay na ang homosexuality ay hindi pinipili ng isang tao o kaya naman ay nahahawa kundi ito ay maaring sa hormones, genetics o kaya ay namamana.  Pinatunayan din ng Science na ang homosexuality ay hindi sakit na kailangang baguhin o gamutin ng kahit na anong therapy.

Para sa karagdagang impormasyon tumawag o kayay magtext kay Pastor Regen Luna (0929.588.05.88)

Posted by regen at 2:14 pm | permalink

Previous Comments

oo nga di kasalanan ang homosexuality..
dahil hindi naman ginusto ng tao na maging gnoon..kung baga di nya kagustuhan na maging ganun..gaya ko hindi ko naman ginusto na magmahal ng tulad kong babae..
lahat ginawa ko na pero sa girl pa rin ako iibig…

Posted by judilyn at February 12, 2009, 2:40 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.