Home » Post Item » God Created Homosexuals
"The people that knows their God shall be strong and do exploits..."

Daniel 11:32

God Created Homosexuals

June 7, 2007

Madaming mga simbahan ang nagsasabing hindi nilikha ng Dios ang mga homosexuals. Ang nilikha lang daw ng Dios ay babae at lalake. Bakit ang mga bakla ba ay hindi lalake? At ang mga tomboy ba ay hindi babae? ang mga bakla may ari ng lalake, e di lalake. Ang mga tomboy may ari ng babae, e di babae. Sino ang nagsabi sa inyo na ang mga bakla ay hindi lalake at ang mga tomboy ay hindi babae?

Ang salitang “homosexual” ay hindi pa naiimbento noong panahon ng Luma at Bagong Tipan. Hindi mo matatagpuan ang salitang ito sa orihinal na mga wikang ginamit sa pagsulat ng Biblia. Kaya kung ang Biblia mo ay naglalaman ng salitang “homosexual” ang Bibliang hawak mo ay dinagdagan ng mga translators. Kapag mali ang hawak mong salin, mali rin ang paniniwalaan mo, kapag mali ang pinaniwalaan mo mali ang ituturo mo at ibabahagi sa ibang tao, kadalasan ang mali ay nagiging tama kapag ito ay pinaniniwalaan na ng mas nakararami.

Ano ang katibayan na nilikha ng Dios ang mga homosexuals? Sa isang talata ng Gawa 17:24-25 ganito po ang nakasulat:

Act 17:24 Ang Dios na gumawa ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya, palibhasa’y Panginoon ng langit at ng lupa, ay hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay;
Act 17:25 Ni hindi rin naman pinaglilingkuran siya ng mga kamay ng mga tao, na para bagang siya’y nangangailangan ng anomang bagay,
yamang siya rin ang nagbibigay sa lahat ng buhay, at ng hininga, at ng lahat ng mga bagay;

Maliwanag po mula sa talata na ang LAHAT NG BUHAY, AT NG HININGA, ibig sabihin lahat ng nabubuhay ay humihinga ay ginawa ng Dios. Lahat ng mga homosexuals ngayon na nabubuhay at humihinga maliwanag ay ginawa ng Dios. Ang sabi sa talata LAHAT. Hindi sinabing lalake at babae lang, LAHAT. Pagka sinabing LAHAT, wala ng excemption doon.

Sasabihin ng mga marurunong, wala naman tayong nabasang homosexual, kaya mali ang pagkaunawa mo! Kapatid, wala rin tayong mababasang lalake at babae sa talata ngunit hindi nangangahulugang hindi ginawa ng Dios ang lalake at babae.

Ang problema po kasi sa atin mahilig po tayong maghanap ng mga salitang alam naman nating wala sa Biblia.  Kung nasa Biblia naman malamang ito ay isang saling BINAGO, PINADALI, upang madaling maintindihan ng mga pangkaraniwang bumabasa.  Ang problema yung mga salitang ginamit ng mga translator ay pinalitan nila ng mga madaling salita na hindi naman ginamit ng original na sumulat ng Biblia, samakatwid pinakealaman na ng mga tagasalin ang original na mga salita sa Biblia.  Ito ngayon ang hindi kayang tanggapin ng mga simbahang naniniwala na ang Biblia ay walang mali.

Posted by regen at 2:12 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.